CHAPTER 37

2 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

"Good afternoon everyone! We are all here to celebrate the passing of these two men in the Architect licensure examination. Now they are one of the licensed architects here in our country. Let us welcome! Aero Zeus Ruiz and Paul Aries Rodriguez, let us give them around of applause." Pakilala ng emcee sa dalawa at nagpalakpakan ang lahat habang papunta sa gazebo na nagsilbing mini stage.

"Anong masasabi niyong dalawa sa pagkapasa niyo sa Architect Licensure exam?" Tanong ng emcee. Nagturuan pa si kuya Aero at si Paul kung sino ang mauunang sasagot. Sa huli ay si kuya Aero pa rin ang mauuna.

"First of all, I just want to thank God for the blessings. Second, for my family na hindi nagsawang sumuporta sa akin. Lahat ng tulong niyo po sa akin ay maibabalik ko na po. Kayo ang unang rason ko para abutin ko lahat ng pangarap ko. Mom, dad, idol ko kayo eh. Hindi niyo kami pinipressure sa pag-aaral namin at ramdam namin yung love and trust niyo sa aming magkakapatid. Thank you fam. And lastly, for my woman, na wala dito ngayon at nasa ibang bansa, thank you for trusting me. I miss you. May Architect na kayo HAHAHA. I love you all." Pasalamat ni kuya Aero.

"Thank you for your message Mr. Aero, dadako naman tayo kay Mr. Paul Aries Rodriguez." Sabi pa ng emcee bago ipasa ang mic kay Paul.

"Good afternoon everyone, unang-una, salamat kay God, dahil tinulungan Niya kami ni Aero sa aming licensure examination. Hindi kami makakapasa doon kung hindi yun will ni God, dahil ang totoo ay sobra kaming nahirapan ni Aero. Tinawanan na nga lang namin nung nalaman namin na ang hirap pala ng licensure examination na yun. Then, gusto ko ding pasalamatan ang aking family, mom, thank you para sa walang sawang pagpapaalala sa amin ni Patrick na you are proud of us. Dad, thank you for teaching me kapag may hindi ako alam noon at kapag nahihirapan ako, for me, you are the best architect na aking hinahangaan palagi. Pat, bro, thank you for cheering me up kapag nakikita mo akong napapagod na. And for my Amaris, salamat sa pag-intindi mo sa akin sa mga oras at araw na kailangan kong mag-aral, isa ka sa mga naging inspirasyon ko kung bakit ko pinagbutihan ang pag-aaral ko. Mahal ko kayo. Thank you." Mahabang sabi ni Paul.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon