AMARIS CHANDRA'S POV
Two weeks ago, simula nung masiguro kong si Luigi Cruz na tatay ni Arthur ang kasabwat ni tita Loisa.
Hindi pa kami gumagawa ng hakbang dahil hindi na rin nila kami masyadong ginugulo at nagfocus muna kami sa exam namin last week.
Tuesday ngayon at nandito kami sa cafeteria ng Galaxium University. Kasalukuyang kasama namin sila Leslie at Margareth pero wala ang kuya Arthur nila dahil pinatawag ito ni Ms. Athena.
Birthday ngayon ni Leslie at bukas ang kay Margareth kaya iti-treat ko sila ngayon. Umorder na kami ng makakain namin bago kami dumiretso sa bakanteng table.
"Mga ate at mga kuya, punta kayo bukas sa bahay ni tita Athena ha, doon na kayo magdinner, selebrasyon na din po yun ng birthday naming dalawa ni Leslie." Pag-iimbita sa amin ni Margareth.
"Aww, sorry mga bebe, hindi kami pwede bukas ni kuya Patrick niyo eh, may date kami hihi" sabi ni Luan habang kinikilig.
"Hindi din ako pwede bukas, sorry, maybe sila ate Yvaine, ate Amaris, at yung kuya Aero na lang nila ang pupunta bukas. Happy birthday" bati ni kuya Melvin sa dalawa.
"It's okay po." Masayang sabi ng magkapatid.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si Arthur na may bitbit ng pagkain niya.
Tinitigan ko siya habang kumakain siya. Wala na siyang mga pasa. Natigilan lang ako nung tumikhim si ate Yvaine.
Tinaasan niya ako ng kilay at parang nagtatanong na bakit ko tinitigan si Arthur. At dahil dun ay umiling na lang ako at nagpatuloy ako sa pagkain. Nang matapos kaming lahat ay umalis na kami sa cafeteria.
Nasa unahan namin ang magkakapatid na Cruz. Pinicturan naman ni ate Yvaine yung tatlo at agad na nagpipindot sa phone niya. Nang matapos siya sa pagpipindot ay pinakita niya sa akin kung ano iyon. Nadamay pa sa picture ang ibang estudyante na nakakasabay nung magkakapatid.
Nang mabasa ko ang message ni ate Yvaine kay Luigi Cruz ay napangisi na lang ako. Hindi din nagtagal ay humiwalay na sa amin sila ate Yvaine at kuya Melvin. Hinatid kami ni Patrick sa room namin ni Luan.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.