CHAPTER ONE: Sorcerer Academy

1.2K 84 3
                                    

WINCE WESTERN MIRANDA

"Woah..." Ang sabay-sabay naming banggit ng mga kapatid ko habang nakatingala sa isang magandang building sa harapan namin.

"Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang Sorcerer Academy." Ang sabi ni East at nakatingin pa rin sa Sorcerer Academy.

"Ako din." Ang pag sang-ayon ni South.

Hi I am Wince Western Miranda. Seventeen years old. At ang dalawa kong kasama ay si Vince Eastern at si Xince Southern.

Isa kaming product ng Identical Triplets. Si East ang unang lumabas sa aming tatlo. Sumunod naman ako at ang bunso ay si South.

Bata pa lang kaming tatlo, ay pinangarap na naming makapag aral dito sa Sorcerer Academy dahil lagi naming napapanood sa TV ang panganay naming kapatid si Kuya North tuwing may Grand Lierto na annual event dito sa Sorcerer Academy.

Siguro lahat naman ng Mageusian ay pinangarap na makapasok dito sa Sorcerer Academy dahil bukod sa maganda ang eskwelahan, maganda rin ang curriculum na meron sila. Bukod roon ang Sorcerer Academy ang pinaka kilalang Magic School sa buong Mageus.

Hindi kagaya ng ibang Magic School, pahirapang makapasok sa Sorcerer Academy. Masusi nilang pinipili ang mga estudyanteng pinapayagan nilang makapag aral dito.

Hindi sapat na meron ka lang Magicae, kailangan rin ay mga angkin ka ring talino. At swerte kaming tatlo na makakapag aral kami dito sa Sorcerer Academy.

"Tara na pumasok na tayo sa loob." Ang anyaya ko sa dalawa kong kapatid. Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa gate ng Sorcerer Academy.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko. Mukhang hindi ito isang Magic School, mas mukha pa itong palasyo.

Mga nag tataasang tore at gusali ang makikita mo pag pasok. May mga puno ka ring makikita at maririnig mo rin ang mga lagslas ng tubig na nanggagaling sa fountain at water falls.

Napaka aliwalas na lugar. Parang isang paraiso.

Pag pasok namin sa loob ay agad na bumungad sa amin ang Information desk.

"Sa lahat ng freshmen ay pumunta po sa Information desk. Salamat." Ang anunsyo ng isang staff ng Sorcerer Academy. Sinunod namin ang sinabi nito at tumungo kaming tatlo sa Information desk.

Pasalamat kami at hindi pa gaano karami ang bagong estudyante na nasa loob ngayon dahil masyadong napa aga ang pagpunta namin rito.

Pumila kaming tatlo sa Information desk. Una si East, sunod ako at huli naman si South.

"Vince Eastern Miranda." Ang pagkukumpirma ng babae na nakaupo at nakaharap sa isang Magical Computer.

Pagkatapos niyang mag pipindot sa Magcial Computer, ibinigay niya ang isang mapa at isang susi. Umalis sa pila si East at ako naman ang humarap sa Information desk.

"What's your name?" Ang tanong ng babae sa Information desk sa akin.

"Wince Western Miranda po." Ang sagot ko. Nang marinig niya ang pangalan ko ay nagpumindot muli siya sa Magical Computer.

Miya-miya ay iniabot na niya sa akin ang isang mapa at isang susi.

Sumunod namang humarap si South sa Information desk at same process din ang ginawa ng babae. Natapos na si South sa pila at pumunta kaming tatlo sa isang tabi.

"Saang building kayo?" Ang tanong samin ni East.

"Sacred Building." Ang sagot ko sa tanong ni East.

"Same, sa Sacred Building din ako. Ikaw East?" Ang sabi naman ni South.

"Parehas lang tayong tatlo, sa Sacred Building din ako." Ang sagot naman ni East.

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon