CHAPTER FOURTEEN: Delphina

519 54 7
                                    

BrieMode45: Marami akong gustong sabihin, una na riyan ay PASENSYA NA PO KAYO KUNG SA TINGIN NINYO KUNG MATAGAL AKONG MAG UPDATE. Noon pa lang po ay ipinaliwanag ko na sa inyo na madalas ako magkaroon ng wrriter's block. Ayokong basta na lang magsulat ng story ng basta-basta dahil maaaring pumanget ang pagsusulat ko. Kaya pasensya na sayo kung ang tagal kong mag update. Alam ko namang matiyaga kayong nag aantay sa update ko, pero wala kayong patago sa akin para pilitin at magalit kayo sakin dahil wala lang akong update. Sana intindihin ninyo ako, dahil kayo naiintindihan ko rin kayo.

Pangalawa, gusto ko muling magpasalamat kay Sir theashtone, dahil sa pag payag niya sa akin na magamit at mabanggit ang mga karakter niya sa kaniyang akda. Maraming salamat po talaga Sir!❤

Pangatlo, alam kong nakita ninyo sa Main Charatcters Profile na isang solid scripter si Kenjie, pero binago ko kasi yun ang hinihingi at kailangan ng kwento. Yun lang, thank you sa support❤

THIRD PERSON'S POV

Nakangiting pinagmasdan ni Esmeralda ang kaniyang paligid. Maraming magandang alaala ang bumalik sa kaniyang isipan ng muling tumuntong ang kaniyang mga paa sa kabundukang ito. Tila ba lahat ng nangyare sa kanya sa lugar na ito ay parang kahapon lamang.

Bata pa lamang si Esmeralda ng unang beses siyang makapunta sa lugar na ito. Isinasama siya noon ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Lewis dahil bibisitahin nito ang kaniyang kasintahan na naninirahan dito sa Earthland.

Sa di inaasahang pangyayare, nang makalabas mula sa lagusan ang magkapatid na Morgan ay may tatlong batang babae ang nakakita sa kanila. Ang mga pangalan niya ay Aurora, Serafina at Esmerelda. At simula ng makita ng tatlong batang babae si Esmeralda ay naging magkakaibigan ito.

Ngunit dumating ang panahon na naghiwalay si Lewis at ang kaniyang kasintahan, kaya naman hindi na muling nakabalik pa ang batang Esmeralda sa Earthland. Ilang taon ang nakalipas, bumalik si Esmeralda rito sa Earthland upang bisitahin ang kaniyang mga naging kaibigan. Gamit ang kaniyang Magicae, napuntahan niya ang isa sa mga kaniyang kaibigan na si Esmerelda.

Napag-alaman niya na isa na itong Headmistress sa isang prestiryosong paaralan dito sa Earthland. Nalaman rin niya ang nangyare sa kanilang dalawa ni Serafina na naging mortal na magkaaway sila.

Alam ni Esmeralda ang ginawa ni Esmerelda sa kanilang kaibigan na si Serefina. Alam niya ang dahilan kung bakit naging mortal na magkalaban ang dalawa niyang kaibigan. Natawa pa nga si Esmeralda dahil parehas sila ng sinapit sa kanilang mga matatalik na kaibigan. Ganoon rin kasi ang nangyare kay Esmeralda at kay Meleena.

Nalaman rin niya na ang isa pa nilang kaibigan na si Aurora ay matagal ng naninirahan sa North Pole at kasalukuyang Headmistress rin sa isang kilalang paaralan doon.

"Deus Teleporto." Ang banggit ni Esmeralda sa kaniyang spell. Ang spell na ito ay dadalhin siya sa lugar na gusto niyang puntahan, basta't alam niya sa kaniyang isipan kung nasaan ito. Minsan lang gamitin ni Esmeralda ang spell na ito, ginagamit lamang niya ito kapag nagmamadali siya.

Biglang nawala si Esmeralda sa kaniyang kinatatayuan at napunta sa isang lugar. Napagtanto niya na napunta lamang siya sa ibang bahagi ng Terreña Mountains.

Nagtaka si Emeralda dahil inisip niya ang tahanan ng kaniyang taong pakay rito sa Earthland ngunit heto, napunta lamang siya sa kabilang bahagi ng kabundukan.

"Mukhang humina ata ang spell kong ito dahil hindi ko siya madalas gamitin." Ang pagkausap ni Esmeralda sa kaniyang sarili.

Bigla namang nakaramdam ng kakaibang pwersa si Esmeralda sa kaniyang likuran kaya naman agad siyang napaharap rito. Pagharap niya ay isang may kalakihang bolang apoy ang papunta sa kaniyang direksyon.

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon