CHAPTER THREE: Amethyst Phoenix

837 64 2
                                    

WINCE WESTERN MIRANDA

"Napaka yabang naman nong lalaking yon, pag nakita ko ulit yon ikakama ko yon." Ang sabi ni South habang naglalakad kami.

Andito naman kami sa green ground dito sa Sorcerer Academy. Para lang siyang isang malawak na football field. Ang pinagkaiba lang nito eh may mga puno dito at mga bangkuan na gawa sa bato.

Para bang isa siyang malawak at malaking park.

Binatukan naman ni East si South dahilan para mapakapit sa ulo si South. Tumingin ng masama si South kay East.

"Masakit yon ah!" Ang bulyaw na reklamo ni South dito.

"Alam mo Southern, kanina ka pa sa kalandian mo. Pwede bang pigilan mo yang kabaklaan mo? Dahil sa kabaklaan mo kanina, muntikan pa tayong mapa away." Ang suway ni East dito. Wala namang ibang nagawa si South kungdi mapanguso na lang.

"Paano kung malaman ng Head Master ang nangyare kanina? Kadarating lang natin dito baka mapatalsik agad tayo." Ang sabi ko naman kay East.

Paano kung malaman nga ng Head Master ang nangyare kanina? O kaya nag simbong yung roommate ko kasi tinutukan siya ng espada ni East kanina?

"Wag kang mag alala. Hindi mangyayare yon okay? At kung malaman man ng Head Master edi nalaman niya." Ang parang walang pakeng sabi ni East.

Hayst.

Hayst ulit.

Nakakita kami ng isang bakanteng bench kaya naman naupo kaming tatlo doon.

"Sino kaya yung lalaking mayabang na yon no?" Ang tanong ni South ng maka upo na kami.

"I think, he is the son of Mister Jeorge Pimintel." Ang sabi naman ni East.

"Jeorge Pimintel? Yung agent din sa Ministry of Magicae?" Ang tanong muli ni South.

"Yeah, Jeorge Pimintel's Magicae is Purple Flame Magic. Ang that bastard guy, he can used Purple Flame Magic too. At hawig din niya si Joerge Pimintel." Sagot naman ni East.

Jeorge Pimintel. Isa ring Agent sa Ministry of Magicae. Kasamahan siya ni Daddy sa trabaho. Kilala rin si Jeorge Pimintel dahil marami na rin siyang nahuli at napakulong na criminals.

"Sana lang hindi na natin makaharap ang lalaking yon no? Yabang kase eh." Ang sabi naman ni South.

"Sa tingin ko makikita ko siya palagi." Ang sabi ko. Bigla naman silang napatingin sa akin at halata sa mukha nila ang pagtataka.

"What do you mean?" Ang takang tanong ni East sa akin.

Bumuntong hininga naman ako bago sumagot.

"That guy, he is my r-roommate." Ang medyo utal na sagot ko.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni South habang sa mukha naman ni East ay inis.

"What? Totoo ba yan West?" Ang gulat ba tanong ni South sa akin. Tango lang ang isinagot ko.

"Mas madalas pa nating makikita ang lalaking yon." Sabi ni East.

"Maaaring pagdiskitahan ka ng lalaking yon Western, kaya pag may hindi siya magandang ginawa sayo. Mag sabi ka kaagad sakin." Dagdag pa nito.

"Oo nga West, magsabi ka samin ni East para maresbakan namin yon." Sabad ni South.

"Hayaan ninyo na siya. Huwag na tayong pumasok sa kahit na anong gulo. Pumunta tayo rito sa Sorcerer Academy para mag-aral hindi para makipag basag ulo." Ang sabi ko naman.

"Pero hindi pwedeng api-apihin ka niya. Wala siyang karapatan para gawin yon." Ang sabi ni East at tumayo na siya.

"Tara na bumalik na tayo sa dormitories natin." Ang sabi ni East, kaya naman tumayo na kaming dalawa ni South at sumunod kay East.

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon