CHAPTER FIFTEEN: A good start?

1K 71 40
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Kung iisa lang ang ating mundo, siguro natulungan ko si Esmerelda sa kaniyang mga suliranin at hindi siya aabot sa ganito." Ang sabi ni Esmeralda habang pinagmamasdan ang isang libingan kung saan nakasulat ang pangalang Esmerelda Ytteria Evanesca.

"Alam mo Esmeralda kung bakit ang mundo natin ay hindi pa rin nag iisa ngayon, kahit na ang mundong ito ay nag a-adjust na sa mahihiwaga at makapangyarihang bagay." Ang pag uumpisa ng matandang seer na kasama niya na si Delphina.

"Noong unang panahon ng ginawa ng manglilikha ang Earthland ay kasabay rin niyang ginawa ang Mageus na kung saan namumuhay ang mga mahihiwagang tao kagaya ninyo, Esmeralda. Habang ang mundong ito naman ay naunang nanirahan ang mga taong walang kahit anong kapanyarihan at sa makalipas ng ilang libong taon, isa-isa ng nagkaroon ng weirdness ang bawat taga Earthland. Pero meron pa ring mga taong isinisilang ng walang weirdness, kaya hanggang ngayon hindi pa rin pwedeng mag isa ang ating mga mundo." Ang paliwanag ni Delphina. Napangiti naman si Esmeralda ng marinig ang sinabi ng matandang seer.

"Tama ka Delphina, hangga't may mga tao pa rin dito sa Earthland na isinisilang ng walang weirdness, mananatiling magkahiwalay pa rin ang Earthland at ang Mageus." Ang sabi ni Esmeralda.

"Pero ipinagtataka ko lamang, alam ni Esmeralda kung paano buksan ang lagusan papunta sa Mageus. Bakit hindi niya ako hiningi ang tulong ko?" Ang takang tanong ni Esmeralda. Noong huli kasi siyang pumunta Earthland, inalok niya ang kaniyang kaibigan na sa oras na dumating na wala na siyang mahingan ng tulong ay maari siyang pumunta ng Mageus upang hingin ang kaniyang tulong.

Lumapit naman ang matandang seer kay Esmeralda.

"Kilala mo siya Esmeralda, ayaw na ayaw niyang may mga ibang taong madadamay ng dahil sa problema niya. Marahil naisip rin niyang hingan ka ng tulong pero nanaig pa rin ang kaniyang paninidigan kaya sinarili na lamang niya ang kaniyang problema." Ang sagot naman ni Delphina.

"Maiba ako, ano ba ang iyong ipinunta rito? Alam kong may iba kang pakay bakit ka muling bumalik dito sa Earthland, Esmeralda." Ang tanong ni Delphina.

Inilahad naman ni Esmeralda ang kaniyang kanang kamay at mula roon ay lumabas ang isang bolang kristal. Agad namang naramdaman ng matandang seer ang nilalaman nito.

"Mabuti pa't sa bahay ko na lang natin pag usapan yan. Halika na at bumalik na tayo roon." Ang sabi ni Delphina na tinanguan na lamang ni Esmeralda.

----------*****----------

Nang makarating ang dalawa sa bahay muli ng matandang seer ay agad silang pumunta sa isang lamesa kung nasaan ang kagamitan ni Delphina. Umupo si Delphina sa kaniyang upuan habang si Esmeralda naman ay naupo sa upuan sa harapan ni Delphina.

"Akin na ang bolang kristal." Muli namang inilahad ni Esmeralda ang kaniyang kamay at muling nagpakita ang bolang kristal. Iniabot niya ito kay Delphina na tinanggap naman ng matanda. Nang makapitan ni Delphina ang bolang kristal ay umilaw ito. Idinikit ni Delphina ang bolang kristal sa kaniyang sariling bolang kristal at nag isa ang mga ito.

"Kaya ka pumunta rito dahil ang mga kagaya kong seer sa mundo ninyo ay hinaharangan ng itim at malakas na kapangyarihan." Ang sabi ni Delphina na tinanguan naman ni Esmeralda.

Muling binasa ni Delphina ang nilalaman ng bolang kristal at habang binabasa niya ito ay mas lalong nagiging seryoso ang kaniyang ekspresyon.

"Anong nakikita mo Delphina?" Ang tanong ni Esmeralda.

"Malapit na ang ika-labing walong taong kaarawan ng batang isinumpa." Ang pag uumpisa ni Delphina.

"At kapag dumating na ang araw na ito, lalabas na ang isang kakaibang sumpa na maaaring ikapahamak ng nakararami sa Mageus. Walang bagay na makakapigil sa paglabas ng sumpang ito at kahit anong gawin mo Esmeralda, lalabas at lalabas pa rin ito." Ang pagpapatuloy ng matandang seer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon