CHAPTER ELEVEN: Cat & Dog fight

558 56 3
                                    

WINCE WESTERN MIRANDA

"Salamat sa pagsama sakin West." Ang nakangiting pasasalamat sakin ni Kyle.

Naandito na kami ngayon sa 3rd floor ng Sacred building at naglalakad papunta sa dorm ko. Galing kasi kami ng library ni Kyle dahil may hiniram siyang libro na gagamitin daw niya para sa Elemental Class nila.

"Wala iyon Kyle, tsaka sabi ko sayo di mo naman na ako kailangan pang ihatid sa dorm ko." Ang sabi ko kay Kyle. Nagpupumilit kasi siyang ihatid ako sa dorm ko. Ang sabi ko naman sa kaniya ay wag na pero sadyang makulit itong si Kyle.

Ito daw ang isa sa pamamaraan niya ng pagpapasalamat sa akin dahil sinamahan ko siyang pumunta sa library.

Ilang sandali pa ay narating na rin namin ang dorm ko.

"Paano ba yan Kyle, mauuna ako sayo ah? Salamat sa pag hatid." Ang sabi ko kay Kyle at tinalikuran na siya.

Hawak ko na ang doorknob ng pintuan ng kwarto ko ng biglang may humigit sa akin at isinandal ako sa pader na malapit sa pintuan ng kwarto ko.

Nakita ko naman ang gwapong mukha ni Kyle. Seryoso ang mukha nito dahil walang expression na pinapakita ito. Hindi ko naman nagawang makapagsalita sa labis na pagkabigla.

Masyado ng magkalapit at magkadikit ang katawan naming dalawa ni Kyle.

Halos magkadikit na rin ang mga mukha namin, na halos isang guhit na lang ng ruler ang agwat. Nakatingin lang sya sa mga mata ko at ganon rin ako.

May iba sa mga tingin ni Kyle sa akin, pero diko naman matukoy kung ano.

Dahil sa posisyon namin ni Kyle, masyado ring malapit ang kaniyang labi sa akin.

At sa dahil mas matangkad sakin si Kyle, halos nakatapat ang labi niya sa aking ilong kaya naman amoy ko ang mabango niyang hininga.

Naramdaman ko ding pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Diko alam, pero parang may mga ibon sa tiyan ko na nagpupumilit kumawala sa hawla nila.

Hindi ko na kaya ang ganitong sitwasyon namin ni Kyle kaya naman nag salita na ako.

"Ahm K-Kyle may sasabihin k-ka ba?" Ang utal-utal na tanon ko sa kaniya.

"Gusto kong sabihin sayo na g--." Natigil sa pagsasalita si Kyle dahil biglang bumukas ang pintuan ng dorm ko. Sabay kaming napalingon ni Kyle dito habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon.

Iniluwa ng pintuan ang walang iba kungdi ang roommate kong si Jieno. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Kyle. Una ako nitong tinignan at sumunod naman kay Kyle.

Nang tumama ang paningin niya kay Kyle ay naging masama ang tingin niya rito. Bigla na lang tumalikod si Jieno at pabalibag na isinara ang pintuan ng kwarto. Nakakahiya, naabutan niya kami sa akward na posisyon ni Kyle. Baka kung anong isipin niya sa nakita niya.

Lumayo naman na sa akin si Kyle at napailing na lamang ng ulo.

"Pasensya ka na West, g-gusto ko lang sabihin sayo na g-good night." Ang sabi ni Kyle at may pagkamot pa sa sariling ulo.

"Ganon ba? Good night rin Kyle. Pasok na ako." Ang sabi ko naman dito.

Pagkatapos kong magsalita at dali-daling binuksan ang pintuan at saka pumasok na sa loob.

Nagtataka ako sa ginawa ni Kyle. Required bang lumapit ng todo-todo, para lang magsabi ng good night?

Ganun na ba ka modern ang panahon ngayon? Kaya pati sa pamamaraan ng pagsasabi ng good night eh naiba na?

"Tapos na ba kayong maglaplapan nung lalaking yon?" Ang biglang tanong ni Jieno sa akin. Nakaupo siya sa kama niya habang may binabasang libro. Kung di ako nagkakamali, History of Sorcerer Academy iyon.
Tsaka anong sabi niya? Laplapan? Marahil siguro ay iyon ang inisip niya ng makita niya kami sa ganong posisyon ni Kyle kanina. Tsaka bakit parang galit siya sa akin?

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon