CHAPTER EIGHT: East x West x South

761 58 3
                                    

BrieMode45: Sorry sa matagal na update guys. Gusto ko lang sanang ipaliwanag na, nagsusulat lang po ako kung kailan gumagana ang utak ko at pag nasa mood po ako.

Yes. Kasi minsan, kahit sinusubukan ko pong sumulat o gumawa ng chapter eh minsan hindi ako makagawa ng ayos dahil minsan wala sa mood. Ayoko naman pong mag sulat ng baste 'mema' lang, kaya sana ay maintindihan po ninyo kung bakit ang tagal ng update ko.

Pero bumawi naman po ako dito sa ginawa ko. Enjoy reading!

Ps: Ginaya ko lang po sa dating version ng Sorcerer Academy yung sa Astronomy Class.

THIRD PERSON'S POV

"Magkasama na silang dalawa ngayon, dahil magka-klase sila. At kanina, nakita kong mag kasama rin sila nitong break time." Ang balita ni Esmeralda sa kapatid niyang nakatayo at nakatanaw sa bintana ng kaniyang opisina habang pinagmamasdan ang mga naglalakad na estudyante.

Ang kapatid ni Esmeralda na ito ay si Lewis Morgan, ang Head Master at itinuturing na ama ngayon ng Sorcerer Academy.

Si Lewis ay isang Malbeno at taglay ang Magicae na Primordial Magic. Isang Magicae na may kakayahang gayahin o kopyahin ang Magicae ng isang Bathala.

Kaya naman maraming Mageusian na nababahalang kalabanin si Lewis Morgan, dahil masyadong nakakatakot ang taglay nitong Magicae.

"Sa ngayon ay mukhang nasusunod ang plano natin na pag lapitin silang dalawa." Ang dagdag ni Esmeralda.

"Dapat lang na maging malapit ang dalawang batang iyon, dahil sila rin ang magtutulungan balang araw." Ang sabi ni Lewis.

"Kinakabahan lang ako Kuya, na ngayong naandito na si Chantler sa Sorcerer Academy ay maaari na siyang mahanap ngayon. Dahil ngayon na wala ng bisa ang Enkantasyon ko kay Chantler, alam kong gagawa na siya ng paraan para hanapin ito. At isa pa, tatlong buwan na lang labing walong taon na ang isa sa triplets." Ang sabi ni Esmeralda.

Humarap si Lewis sa kaniya at naglakad ito pabalik sa kaniyang upuan.

"Huwag kang mag alala dahil hangga't naandito si Chantler at si Western sa Sorcerer Academy, ligtas sila. Hindi natin hahayaan na mag tagumpay siya sa mga plano niya." Ang sabi ni Lewis kay Esmeralda.

Wala ng naging imik si Esmeralda sa sinabi ni Lewis, dahil alam niyang kahit gaano kalakas ang mga kalaban. Hindi pa rin nila kayang patumbahin ang Head Master ng Sorcerer Academy.

WINCE WESTERN MIRANDA

Naandito na kami ngayon sa Second Subject namin. Ang Astronomy.

Ang guro naman namin dito ay si Maestro Erwin Condino. At ayon sa kaniya ay isa siyang Malbeno at taglay ang Magicae na Cosmos Magic. Isang Magicae na may kinalaman sa stars at meteors, kaya rin nitong gamitin ang energy of stars mula sa katawan niya.

Halos mag iisang oras na rin kaming nakikinig kay Maestro Erwin at masasabi kong hindi siya nakaka antok mag turo.

"Ang susunod naman na tatalakayin natin ang iba't-ibang constellations na makikita lamang dito sa Mageus."

Ang sabi ni Maestro Erwin sa amin.

"Buksan ninyo ang inyong mga libro sa pahina 235." Ang utos ni Maestro na sinunod naman namin.

Sa pahinang ito, makikita mo ang mga bituin na hugis buwan.

"Ang Constellation na iyan ay ang, Moonaria." Ang pag uumpisa ni Maetsro Erwin kaya naman napako muli ang tingin namin sa kaniya.

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon