SOUTHERN'S LIST OF ANGELS

472 36 4
                                    

AGLIBOL (Angel of Moon)

- Anghel na may kakayahang kontrolin at gamitin ang Magicae na mula sa buwan. Magaling ito sa pagkontrol ng gravity.

- Siya rin ang isa sa mga bantay sa Diyosang nakapiit sa buwan na si Lunaria.

ARARIEL (Angel of Water)

- Anghel na may kakayahang gamitin at kontrolin ang elemento ng tubig.

- May kakayahan din itong linisin ang naapektuhan ng itim na Magicae.

AZAZEL (The Rebel Angel)

- Anghel na kilala sa pagiging mapaghimagsik nito. Wala itong ibang sinusunod kungdi ang Hari ng nga Diyos na si Dreisos. Kakambal ng anghel na si Azrael.

- Itim na ibon ang sumisimbolo sa kaniya.

AZRAEL (Angel of Death)

- Anghel na taga sundo ng mga kaluluwa ng mga namatay na Mageusian.

- Kakambal ng anghel na si Azazel.

BARAQIEL (Angel of Lightning)

- Anghel na may kakayahang gamitin at kontrolin ang elemento ng kidlat.

BARMAN (Angel of Intellegence)

- Anghel na may kakayahang malaman ang pinagmulan ng isang bagay.

CAMAEL (Angel of Swordmanship)

- Anghel na bihasa sa pag gamit ng kahit anong uri ng sandata. Pinuno ng mga Anghel sa Paradeisos.

- Siya rin ang nagbigay sa latigo ni South.

CHALKDYRI (Angel of Sun/Light)

- Anghel na may kakayahang gamitin ang Magicae na nagmumula sa araw.

CHARMEINE (Angel of Music)

- Anghel na mayroong magandang tinig. Ginagamot niya rin ito sa pakikipaglaban.

LAMASSU (Angel of Protection)

- Anghel na may kakayahang gamitin ang Barrier Magic.

RAPHAELA - (Angel of Healing)

- Anghel na may kakayahang manggamot ng ano mang uri ng sakit.

- Ngunit may hangganan ang kaniyang Magicae, hindi niya kayang gamutin ang mga Mageusian (tao) na nag aagaw buhay.

SACHIEL (Angel of Fortune)

- Anghel na may kakayahang manghula. Kaya rin nitong malaman ang kasinungalingan sa isang bagay.

SAMIEL (Angel of Poison)

- Anghel na may kakayahang magbigay ng lason.

- Isang malaking ahas ang ipinapakita nitong wangis, ngunit napaka makisig ng totoo niyang anyo.

BrieMode45
(October 7, 2021)

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon