CHAPTER FOUR: First Day

744 61 2
                                    

WINCE WESTERN MIRANDA

Natapos na ang celebration sa Grata Hall, at heto kami ngayon naglalakad pabalik ng Sacred Building.

Masasabi kong masaya ang gabing ito para sa amin. Official na akong student ng Sorcerer Academy!

Kanina habang kumakain kami sa Grata Hall, ibinigay na ang schedule namin at kung anong section namin at luckily classmates ko sila East at South. Pati rin si Derrick ay classmate ko rin.

Bukas na ang umpisa ng class namin. Excited na ako!

"So paano yan West, sa kwarto ka ba talaga ni East at Derrick magpapalipas ng gabi?" Ang tanong ni South sa akin habang naglalakad kami.

"Maybe. Kung wala si Jieno sa room namin, pupuslit ako para makapasok sa loob." Ang sagot ko dito.

Tama yun na nga lang ang gagawin ko, kung wala pa si Jieno sa kwarto namin. Pupuslit ako para makapasok at pag nakapasok na ako hindi ko na hahayaang palabasin pa niya ako.

Kung kinakailangang gamitin ko ang Magicae ko para hindi niya ako mataboy ulit.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na din kami sa Sacred Building. Sabay-sabay kaming hinatid ng hagdan papunta sa third floor.

Pag punta namin sa third floor agad akong pumunta sa room namin ni Jieno. Sumunod naman sila sa akin.

Pinihit ko ang doorknob. Naka lock ito, so nasa loob na ba si Jieno o wala pa.

"Ako na ang bahalang tukuyin kung naandiyan na ba si Jieno." Ang biglang sabi ni South.

Pumikit siya at pinagdikit niya ang mga palad niya na akala mo'y nag darasal.

Ang stance na 'to, alam ko 'to! Mukhang tatawag si South ng isa sa mga Angel niya.

Ang stance na ito ay tinatawag na Oracion. Bago tuluyang makapag summon ng Angel si South ay kinakailangan niya munang gawin ang Oracion o prayer para magawa niyang makapag summon ng Angel.

Unti-unting nagkaroon ng dilaw na liwanag ang kamay ni South. Ibig sabihin ay dinidinggin na ng Paredeisos ang panawagan niya.

"Angel of Fortune, tinatawag kita Sachiel." Ang malumanay na sabi ni South.

Lumakas ang liwanag na nagmumula sa kamay ni South at ilang sandali pa ay may lumabas sa tabi niya na isang nilalang.

Isa itong lalaking anghel na may katamtaman na pangngatawan. Matangkad rin ito. Kulay puti at mahaba ang buhok nito. Meron din siyang magandang pares nakulay puting pakpak. Kapansin-pansin rin ang mata nito sa kaniyang noo.

"Este Nevoliá Sante." Ang pagbati ni Sachiel kay South. Nginitian naman ito ni South.

(Translation: Kamusta Kaibigan?)
[Pronounciation: Es-the Ne-vho-Liya San-the]

"Sachiel, nakikiusap ako sayo. Maaari mo bang tignan kung nasa loob ng kwarto na iyan ang roommate ng kapatid kong si West?" Ang utos ni South kay Sachiel.

Nginitian naman siya ni Sachiel bago sumagot.

"Masusunod Southern." Ang sabi ni Sachiel.

Bigla na lang naging puti ang mga mata ni Sachiel, maging ang kanyang ikatlong mata ay naging kulay puti rin. Ilang segundo pa ay bumalik na muli sa dati ang mga mata ni Sachiel.

"Wala pa ang roommate ni West na si Jieno sa kanilang silid." Ang sagot ni Sachiel.

Kung wala si Jieno sa loob ng room namin ibig sabihin ay pwede na akong pumisilit papasok sa loob.

Sorcerer Academy I: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon