Chapter 15

1.4K 55 9
                                    

Chapter 15

"Ynna." parang huminto sa pagtibok ang puso ko dahil sa simpleng pagbanggit niya ng pangalan ko. Mabilis akong napahinto at napahawak sa dibdib ko.

"Pwede bang kumalma ka muna." bulong ko sa sarili ko habang hawak ang dibdib ko.

"W-Why?" sagot ko habang nananatiling nakatalikod. Nautal pa ako kaya parang gusto kong batukan ang sarili ko.

"Nahulog mo." wika niya. Hindi ko makita kung ano ang sinasabi niya dahil nananatili akong nakatalikod. Napalunok ako at dahan-dahang lumingon sa kanya.

My heart beats much more faster. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay lalabas ang puso ko. I missed him. I missed Riggs.

I wanna hug him. I wanna tell him to let me love him. Na hayaan niya akong mahalin siya kahit hindi niya ako mahalin.

But I dont wanna make my self looks like a fool. Because I know.. I know the answer for the thing I am asking for.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya kahit na parang sinasakal ang puso ko. "T-Thank you." sagot ko at inabot ang panyo na hawak niya.

Akmang tatalikod na ulit ako pero muli siyang nagsalita. "Its been a while." aniya kaya parang nanginig lalo ang mga tuhod ko. Kahit ayaw ko ay napilitan akong harapin siya.

He looks fine. Ako lang talaga ang apektado. Maybe he was thankful because he wont be annoyed anymore. Wala ng mangungulit sa kanya.

"Y-Yeah. One week to be exact." sagot ko na pilit na pinakaswal ang boses ko kahit sa loob ko ay gusto kong umiyak.

'One week without you. It feels empty.' gusto ko sanang idugtong pero ayokong magmukhang tanga.

Tumango siya at tinignan ako sa mata.   "I haven't seen you around." wika niya kaya parang mas lalong kumabog ang puso ko.

Did he missed me?

"I-Im busy." sagot ko kaya tumango siyang muli.

"I see. Maybe thats the reason why you didnt reply to my message and didnt reacted to my post." aniya kaya gulat na tinignan ko siya.

"M-Message?" Takang tanong ko sa kanya. Parang nablangko ang lahat sa akin.

"Tss. Nevermind." aniya na naglakad na paalis pero mabilis ko siyang sinundan.

"Anong message?" tanong ko sa kanya.
Parang may karera na naman sa dibdib ko at may excitement na namumuo sa puso ko.

"Not important." aniya pero hindi ako mapakali. Did he message me?

"Ano nga yon? Tell me." pangungulit ko habang sinusundan siya.

"Nothing." tipid na sagot niya kaya napanguso ako.

"Bakit hindi mo pa sabihin? Ano nga yon?" wika ko pero tinignan niya lang ako saglit at nagpatuloy sa paglalakad.

"Are you going to follow me inside?" tanong niya kaya napakunot noo ako at napatingin sa hinintuan namin.

Mens room.

Mabilis na namula ang mukha ko at umiling. "Sabihin mo na kasi! Ano ba yon?" pangungulit ko. Napapatingin na din sa amin ang ibang estudyante at halos nagbubulungan sila pero wala akong pake! Curiosity is killing me.

"Tss. Why not open your instagram." aniya bago pumasok sa loob ng Cr.

Instagram?

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag open ng data pero kamalas-malasan wala na akong pang data!

"Shet!" inis na wika ko at pumadyak pa!.





Nakatulala ako ngayon sa Cellphone ko habang paulit-ulit na binabasa ang message ni Riggs. I skipped the first period just to check his message. 

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon