Chapter 4

1.5K 70 5
                                    

Chapter 4

"Wait lang." wika ni Venice na huminga muna ng malalim.

"Bakit?" takang tanong ko at huminto din dahil huminto siya.

"Kinakabahan ako." wika niya kaya naman binatukan siya ni Polla.

"Aray ah!" reklamo niya habang hawak hawak ang likod ng ulo.

Ang arte!

"Ano na naman?! kanina pa tayo pahinto-hinto dahil kinakabahan ka! Para kang tanga." wika ni Polla na nameywang pa sa harap namin habang si Jane naman ay walang pake dahil nakaearphone.

"Sa kinakabahan ako e! Ngayon ko lang nalaman na dito pala nagtatrabaho si Jace!" aniya na halata sa mukha ang kaba.

Well si Jace lang naman ang kaibigan ng kuya niya. Papunta kami ngayon sa engineering department dahil pupuntahan namin si Sir Jace sa klase niya. Engineering 1 ang tinuturuan niya ngayon sabi sa faculty. Yes, sir! Dahil Instructor po siya dito. Statistics ang tinuturo niya at balita ko ay kukuha siya ng Masteral para ganap na maging professor.

And by the way Jace Nixon Ferell is Venice ultimate Crush! Kaya ganyan na lang pag iinarte niya.

"Nasaan na yan. Ako na lang ang magbibigay!" wika ko at akmang kukunin ang envelope na pinapabigay ng kuya niya kay Sir Jace. Para daw iyon sa condo na kinukuha ni Sir Jace. Ang kuya ni Venice ang umayos dahil doon sa building na yon nakatira nag kuya ni Venice.

Mabilis niya iyong inilayo sa akin at inirapan ako.

"Ako na! Ikaw atat na atat ka dahil sa engineering department tayo pupunta e! Sigurado ako na excited ka dahil baka makita mo doon si Matteo Do!" buska niya sa akin kaya nginitian ko siya ng malapad.

"Siyempre! Kailangan magpapansin sa kanya baka mamiss niya ako." nakangising wika ko.

Ilang araw ko din siyang hindi nakita. At ang nakakainis pa hindi na siya ulit nagreply sa mga chat ko sa kanya. Not even a seen.

Kinuha ang salamin sa may bulsa ko. Tinignan ko kung maayos pa ba ang make up ko.

Nag messy bun pa ako at nilagyan ko iyon ng konting laglag na buhok para mas maganda.

"Asa ka girl! Assumera! Tara na nga." wika ni Venice at muling huminga ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Inirapan ko na lang siya at  nagsimula na ding maglakad.

Naglalakad kami nang makita ko si Riggs sa may gazebo na nasa gilid ng pathway. May hawak siyang gitara habang si Matthew at Trey naman ay nasa gilid niya.

"Pahinging barya. Bilis!" nagmamadaling wika ko bago hinarap ang tatlo.

"Bakit?" takang tanong ni Jane na ngayon ay inalis na ang earphone niya.

"Kailangan kong gumawa ng the moves." nakangising wika ko.

"Abnormal." wika ni Venice pero kumuha din ng barya sa coin purse niya at inabot sa akin. Tig pipiso at tatlong limang piso. "Twenty-Three pesos yan ah! ibalik mo yan. Pamasahe din sa jeep yan." wika niya bago inabot sa akin ang barya.

"Ang kuripot mo! Twenty-three pesos lang sisingilin mo pa."

"Gaga ka! Sayang yan! Ikaw nga mas kuripot diyan e!"wika niya kaya inirapan ko siya.

"Oo na! Letche!" wika ko at muling sinulyapan si Riggs. "Mauna na kayong maglakad. Huwag niyo na akong hintayin." wika ko bago sila itinulak paalis. Ilang sandali matapos nilang umalis ay kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at iniipit doon nag mga barya.

Isang sulyap muna sa salamin ang ginawa ko bago ako lumakad padaan sa kanila. Nang nasa harapan na nila ako ay mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ko kaya nahulog ang mga barya sa harapan nila.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon