Chapter 20

1.3K 38 5
                                    

Chapter 20

Simula pa lang ng game ay nagkakainitan na sa loob ng court. Kanina ko pa napapansin ang captain ng kabilang team. May sinasabi siya kay Riggs na nakapagpakunot sa noo ng huli. Mukhang nawala siya sa mood dahil doon.

"Anong nangyayari diyan sa jowa mo? Mukhang galit?" wika ni Polla kaya nagkibit balikat ako.

"Oo nga e." wika ko na lang. Kinakabahan ako kasi parang sumama ang timpla niya.

"Hindi effective yung lucky charm. Muuaah!" wika ni Venice na iminuwestra pa ang kamay para mukhang naghahalikan.

"Gaga ka!" wika ko at pairap na kinuha ang mini microphone sa bag ko.

Syempre matalino ako kaya may baon ako ngayon...

"Anong gagawin mo dyan?" takang tanong ni Jane.

"Ipagchicheer ko ang babe ko." wika ko kaya napailing sila.

"Jusko pwede bang umalis na tayo dito? Kahihiyan na naman gagawin nito." wika ni Venice pero ngumisi ako sa kanila..

"Kailan pa ako naging kahihiyan? Ang witty ko nga e." wika ko kaya napailing sila.

Isinaksak ko na ang mini mic sa phone ko at bahagya iyong tinapiktapik para makita kung gumagana na.

"Ehem." pag aalis ko ng bara sa lalamunan ko bago ko itinutok ang mic sa bibig ko.

"Go Babe! Talunin mo sila!" sigaw ko kaya halos napatingin ang lahat sa akin. Maging ang cimmentator sa basketball ay natigilan at napatingin sa akin.

"This mic is really cool." wika ko bago tumawa. Nakita ko pa na nagtawanan ang mga estudyante at si Riggs naman ay bahagyang napasulyap sa akin.

Mabilis ko siyang kinawayan pero inalis niyang muli ang tingin sa akin.

"Go babe! Go babe! Go! Go!Go!" sigaw ko habang tumatalon-talon pa sa pwesto ko.

Ang captain ng kalaban nilang team ay ngumisi sa akin at may sinabi kay Riggs. I dont know what it was pero lalo atang nag init ang ulo ni Riggs.

Kanina pa sila nagbabanggan ng captain nang kabilang team.

"Traveling yan! Traveling!" sigaw ko sa mikropono nang banggain ng captain ng kabilang team si Riggs. Narinig ko ang tawanan ng mga estudyante kaya napatingin ako kina Venice.

"Tanga! Foul tawag don hindi traveling." wika ni Jane kaya natigilan ako. Napatingin ako kina Riggs at umiiling siyang nakatingin sa akin.

"Joke! Foul pala!" wika ko kasabay ng isang awkward na tawa.

Letche! Malay ko ba sa tawag sa ganon. Pangalawang beses ko pa lang manood ng Basketball. Sa PE namin noong high school ay lagi akong absent.

Nagpatuloy ang laro at lamang na ng dalawang puntos sina Riggs. Lalong nagkakainitan ang laban sa court. Ilang beses kong nakita ang pagbangga sa balikat niya at ang pag apak sa paa niya ng captain ng kabilang team.

"Hindi ba nakikita ng referee yon?" usal ko kay Venice matapos ilayo sa bibig ko ang mic.

"Parang hindi e. They are playing dirty." wika ni Venice kaya nag aalalang tinignan ko si Riggs. He still look serious.

Umupo ako sa tabi ni Venice dahil napapagod na ako sa kakatalon at kakasigaw.

"Oh bakit naupo kana?" Venice.

"Hindi pwedeng magpahinga?" sagot ko kaya inikutan niya ako ng mata.

Hindi ko siya pinansin at nag isip na lang ako ng pwedeng ipang cheer kay Riggs. Halos pangalan ni Riggs ang sinisigaw sa buong court.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon