Chapter 3

1.6K 74 8
                                    

Chapter 3

Kunot ang noo ko habang tinutusok-tusok ang karne na nasa plato.

Naiinis ako. First subject ay nalate ako at hindi pa ako pinapasok sa room. Pinagawa pa ako ng special assignment ng prof kaya mas lalo akong nabwisit.

"Hey girl! Wag mong ibuhos sa pagkain ang inis mo! Batukan kita diyan e!" wika ni Venice pero tinignan ko lang siya.

Tinigil ko ang ginagawa ko at huminga ng malalim.

Dahil sa special assignment na yon ay hindi ko mapupuntahan mamaya si Riggs. I need to finish this assignment.

"Nakasimangot ka ba diyan dahil sa assignment mo o dahil wala kang oras para gawin ang oplan mo?" tanong ni Jane kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.

"Pareho." nakangusong wika ko.

Sa aming apat ay ako at si Venice ang magkaklase habang si Jane at Polla naman ay parehong kumukuha ng Management.

"Inuna mo kase landi ayan tuloy." tawa-tawang wika ni Venice kaya hinila ko ang buhok niya.

"Gaga! May I support you, I Support you ka pa! Plastic!" irap ko sa kanya.

"Hahaha sinuportahan naman kita but not with this Assignment girl! Alam ko na karakas mo. Mangongonsensya ka para tulungan ka namin. Dont us!" aniya na ngumisi pa kaya napanguso ako.

Hugh! Hindi effective ang ginawa ko. Akala ko makakalusot at tutulungan nila ako.

"Ayaw niyo ba talaga akong tulungan?" nagpapaawang wika ko.

Pare-pareho silang umiling kaya napasimangot ako.

"Polla?"

"Sorry mauna na ako may gagawin ako sa library." wika ni Polla bago dali-daling umalis kaya napairap ako.

"Jane?" tanong ko kay Jane.

"I have meeting in the org. Bye!" aniya bago tumayo at mabilis na kunin ang mga gamit. Bago ko pa matignan si Venice ay nakatayo na din siya at paalis.

"Bye girl may imimeet ako ngayon. Good luck!" aniya bago kumaripas ng takbo.

"Mga taksil na kaibigan!" wika ko at napadukdok sa mesa.

Wala na talagang pag asa na makita ko si Riggs. Bakit ba kasi nakalimutan ko ang oras ng pasok ko?

Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa buong four months at hindi ko napansin si Riggs.

Sabagay masyadong malaki ang university. Nang-istalk ako kagabi at nalaman ko na Engineering pala siya at talagang magkalayo ang building namin dahil nasa west part ang building namin. May tatlong canteen dito sa university. Mayroon sa east, sa south at dito sa west part.

Halos sa east kumakain ang mga engineering department dahil doon ang mas malapit habang kami naman ay dito sa west.

Kaya wala talagang chance na magkita kami.

Akmang liligpitin ko na din ang mga gamit ko nang bigla akong mapatingin sa pinto ng canteen. Ganon na lang
ang lukso ng dibdib ko nang makita kung sino ang taong kakapasok lang.

Kakasabi ko lang kanina na walang chance na magkita kami sa canteen pero ngayon ay heto at nasa harapan ko na siya.

Otomatiko ang ngiti na pumorma sa mukha ko at walang pakundangan na lumapit sa kanya.

"Hi! Bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanya habang ang mga kateam niya ay nginitian ko lang bago sumabay sa paglalakad niya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay mas mabilis ang lakad na pumunta siya sa counter.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon