Chapter 21

1.1K 40 7
                                    

Chapter 21

"Riggs." tawag ko sa kanya habang nakasunod ako sa likod niya. "Galit ka ba sa ginawa ko?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad. "Riggs."tawag ko ulit sa kanya. Nasa may parking na kami pero hindi parin siya nagsasalita.

Nagulat pa ako ng bigla siyang huminto at tumingin sa akin kaya napaatras pa ako ng dalawang hakbang.

"Im not happy to what you did earlier."

"Sorry. Sila kasi e! Napakaday-."

"That doesnt give you the permission to meddle with my fight!" sigaw niya kaya napatalon ako.

"I-Im sorry. I know I was wrong pero sana naman intindihin mo din na ginawa ko yon dahil concern ako sayo! Paano kung sinuntok ka niya? You will get hurt."

"Iniisip mo ako pero hindi mo man lang inisip ang sarili mo. Paano kung ikaw ang sinaktan niya?"

Napayuko na lang ako dahil may punto siya. Hindi ako nag iisip. Nagpadalos-dalos ako.

Pinigil ko ang pagtulo ng luha ko habang hawak ang magkabilang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang bumuntong hininga.

"Look." aniya na hinawakan pa ang balikat ko. Sinalubong ko ang tingin niya. He's still serious. "I just dont want you to do some stupid things that can hurt you. Paano kung ikaw ang sinaktan sa harapan ko? I cannot control myself if that will happen." aniya kaya parang tumalon ang puso ko. Mabilis akong yumakap sa kanya bago ko palihim na pinunasan ang luha ko.

I can feel it. Hindi man siguro kasing lalim ng nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman niya sa akin pero alam kong meron. Kahit katiting lang. Meron siyang nararamdaman sa akin. I am really happy.

"Sorry if I shouted on you. I am just worried."

"Naiintindihan ko naman e. Sorry din kasi hindi ako nagiisip. Stupid ako at war freak."

"Tss. At least you know." aniya kaya bahagya ko siyang hinampas kaya natawa siya.





**


"Where are you?" mula sa kabilang linya ay bungad ni Riggs. Its been almost one month since we became official.

Walang masyadong nagbago. Madalang pa rin siyang ngumiti. Kung may isang bagay lang ang nagustuhan ko matapos maging kami ay ang pagiging sweet niya sa akin. He don't like to show it with other people pero kapag kami lang ang magkasama ay sweet siya. He's caring. Madalas ay makulit ako pero mahaba ang pasensya niya. He even teach me with the subjects that I am having a hard time. Kagaya na ang ng fashion history. Binasa niya talaga yon then inexplain niya sa akin. Thats why I really appreciate him.

"Papuntang Canteen." wika ko habang kasabay sa paglalakad sina Venice. Well kung may isa naman akong hindi nagustuhan sa pagiging opisyal namin ay nagkaroon ako ng mga basher! Yes basher! Sila ang mga die hard fan and admirer ni Riggs. Nangunguna na sa listahan si Fhiara! Madalas ay mag parinig sila o kaya naman ay nang iirap but I dont care. Mamatay sila sa inggit.

"I see." aniya kaya muli akong nagtanong.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"I wont be able to come home with you later. May practice kami. It will be our last practice for our next game the next day. I'll call you kapag nasa condo na ako. Lets just eat sa condo." aniya kaya napatango ako. Hindi ko rin napigilan ang pagngiti ko. He always update me for the things that he's does.

Halos araw-araw din ay sabay kaming pumapasok at naglulunch. Kapag naman uwian kapag wala silang practice ay sabay kaming umuuwi.

Pakiramdam ko ay laging napakagandang gumising sa umaga. Ang sarap mainlove!

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon