Chapter 2

2.2K 72 3
                                    

Chapter 2

Pag uwi namin sa condo ay mabilis akong pumunta sa kwarto ko at nahiga sa kama habang nakatingin sa phone ko. Stalking Time.

Suot ko pa rin ang uniform ko habang tumitingin sa facebook.

Sinearch ko ang pangalang Riggs dahil iyon lang ang alam kong name niya.

Hindi naman ako nabigo dahil pagsearch ko palang ng first name niya sa facebook ay nakita ko ang isang account na may 320 mutual friends kaya naman sure ako na siya iyon.

Riggs Del Castillo.

Tinignan ko ang profile picture niya at parang gusto kong mahimatay dahil sa sobrang hot niya.

Nakaharap ang katawan niya sa Camera pero ang mukha niya ay nakaside. Walang kangiti-ngiti ang labi niya at seryosong nakatingin sa ibang direksyon.

Nakasuot siya ng uniform nila sa basketball and God! Pawis ang lolo niyo pero gwapong-gwapo! Ang Macho!

Nagscroll pa ako sa timeline niya pero wala man siyang post at lahat ay mga tinatag lang sa kanya.

I-aadd ko dapat siya pero wala ng option para i add siya dahil nasa 5k na ang friends niya.

Inis na binitawan ko ang cellphone ko at akmang tatayo na ng may naisip ako. Malawak ang ngiting kinuha kong muli ang Cellphone ko at sinearch ang pangalan niya sa instagram.

Isang tili ang kumawala sa akin habang tinataas ko pa ang paa ko dahil sa kilig.

"Woi! Anong nangyari sayo?" si Polla na kunot noo na nasa may pinto ng kwarto ko. Akmang sasagot ako sa kanya pero nabitawan ko ang cellphone ko kaya tumama iyon sa mukha ko na ikinatawa niya.

"Happy ka girl?" inis na tanong ko sa kanya at napaupo habang hawak ang ilong kong natamaan.

"Hahaha obvious ba?" asar niya sa akin. "Wag ka daw maingay sabi ni Venice! Dinig ka hanggang sa kapitbahay! " exagge na wika ni Polla bago sinara ang pinto kaya napairap ako.

Mga OA.

Hindi ko na sila pinansin at muling tinignan ang cellphone ko.

Andami niyang followers. Mabilis kong pinindot ang follow. Nagstalk lang ako saglit bago ko binaba ang cellphone ko.

Hindi ko muna siya imemessage. I need reason to message him at nakakahiya naman kung basta-basta na lang akong magmemesage ni hindi niya nga ako kilala.

Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto doon ay nakita ko sa sala sina  Polla at Jane na kumakain ng cake.

"Mga glutton! Ni hindi niyo man lang ako inimbita. Taksil na kaibigan!" wika ko bago sumingit sa pagitan nila at kumuha ng cake mula sa plato nilang dalawa.

"Gaga! Sino ba kasing busy sa pang iistalk kay Matteo Do? Kami ba? Kami?" sarkastikong wika ni Polla kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hahaha wag nga kayo. Suportahan niyo na lang ako. By the way alam niyo ba na si Riggs ang Captain ng Varsity team natin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sinong Riggs?" Jane.

"Duhh! Si Matteo Do." sagot ko.

"Really? No doubt magaling siya."sagot ni Polla na muling sumubo ng cake.

"So anong balak mo?" tanong ni Jane.

Ngumiti ako ng malawak at pinorma ang daliri ko ng hashtag.

"Oplan Make him notice me."  wika ko at kinindatan sila.

Mabilis akong binatukan ni Jane kaya sinamaan ko siya ng tingin. Madalas talaga mabaho ang bibig ng mga kaibigan ko pero mas madalas na brutal sila at mga bayolente.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon