Chapter 11

1.4K 57 9
                                    

Chapter 11

"Sure ka ba na dito ka muna? Mag boboys hunting ako." tanong ni Venice  kaya naman tumango ako.

Si Polla at Jane ay kanina pa lumabas dahil magseset up daw sila ng ihawan sa may malapit sa Cottage. Ang mga boys naman ay hindi ko alam kung nasaan.

"Oo mauna ka na sa beach. Magpipicture muna ako para sa instagram ko." wika ko kaya inikutan niya ako ng mata pero dedma lang ako.

Sinimulan ko nang mag picture picture sa may Sala hanggang sa nagulat ako sa tinig na nagmula sa likod ko.

"What are you doing?" tanong ni Riggs na nakapagpatalon sa akin.

Mabilis ko siyang nilingon at nginitian nang makabawi ako.

"Taking a picture. Gusto mong sumali?" wika ko pero kinunutan niya lang ako ng noo at naupo sa tabi ko.

"Tss." aniya pero napangiti ako.

"Sige na isang picture lang para remembrance." wika ko at bahagyang lumapit sa kanya.

"Where are they?" tanong niya at hindi ako pinansin kaya napanguso ako.

"Lumabas na sila. Sina Matthew nasaan na?" tanong ko sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo niya at kinuha sa akin ang Cellphone ko imbes na sagutin ako.

"Lets take a picture." aniya bago hinarap sa amin ang Camera. Pero dahil sa gulat ko ay imbes na ngumiti ako sa picture ay nanlalaki ang mga mata na nakatingin lang ako sa kanya!

My God! Such an epic picture!

"Sandali ang pangit! Isa pa." wika ko ng akmang aalis na siya.

"Tss. Send that to me." aniya sa akin bago lumabas kaya natulala na naman ako. Anong nakain niya?

Parang tanga na bigla na lang akong napangiti.

"Soon you will fall for me Riggs Del Castillo." nakangiting usal ko bago ko muling tinignan ang picture namin. Nakatingin siya sa Camera at nakahalf smile habang ako naman ay nakatingin sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

Haha! On the second thought this picture is really cute.

Mabilis kong sinend sa kanya ang picture bago sumunod sa kanya palabas.

Paglabas ko ng cottage namin ay sumalubong sa akin ang preskong hangin. Mabilis akong naglakad papunta kina Jane at Polla na ngayon ay busy na nagaayos ng mga ihaw ihaw.

"What can I help?" tanong ko sa kanila.

"Hmm ilagay mo na lang sa stick yung mga hotdog." wika ni Jane sabay turo sa hotdog na nasa mesa.

Mabilis akong lumapit doon at gaya nga ng sabi niya ay tinusok ko sa stick ang mga hotdog. Malapit na akong matapos nang matanaw ko si Riggs na nakaupo sa may lilim ng puno kaya napangiti ako.

Bakit ba kahit makita ko lang siya ay napapangiti ako? Haha! Malakas na ata ang tama ko sa kanya.

Biglang nawala amg ngiti ko nang makita na may babaeng lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

Wala sa sariling naibaba ko ang hawak kong stick at hotdog at lumapit sa kanila.

"Vacation?" dinig kong tanong ng babae.

Hindi sumagot si Riggs at ni hindi niya tinignan ang babae kaya napangiti ako.

"I'm Sasha by the way. I am on an outing with my friends. Who's with you?" tanong niya pa pero hindi pa rin sumagot si Riggs bagkus ay inilabas niya ang Cellphone niya at doon itinutok ang kanyang atensyon.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon