Tinik sa kalangitan,

1 0 0
                                    

Sa ilalim ng malawak na kalangitan,
Munting tunog namutawi sa kadiliman.
Mga putik na umagos, bumasag sa salamin
Naging dahilan kanyang kamay masugatan.

Sinabayan ng malakas na ulan
Ang tunog ng paghihinagpis na kumalat sa kadiliman.
Mga patak ng ulan, nagmistulang karayom,
Na unti-unting tumutusok sa kanyang pulsuhan.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon