Resulta

1 0 0
                                    

Walang pariwarang kabataan
Kung nagabayan ng maayos nang kasapi ng tahanan.
Hindi mapapabayaan
Kung ang mga nasa tuktok ng upuan
Ay nagbibigay ng tulong
At di nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Hindi mangungulila sa aruga ng magulang
Kung maayos ang pangangalaga ng mga nasa posisyon sa ating bansang sinilangan.
Walang pariwara,
Kung ang bansa ay may pinuno
Na matalino at may malinis na hangarin.
Walang kurapsyon
Kung ang mamboboto
Ay bumoto dahil sila'y nararapat
At Hindi dahil ito'y sikat o may itsura.
Pumili ng nararapat.
Huwag sisihin ang mga kabataan
Dahil sila'y ay resulta lamang ng mga kurap na nasa itaas.

Art credit: © Behrooz Firoozi / JameJamOnline

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon