sa kulungan ng nobela.

10 0 0
                                    

Mga kamay na tanging hangad ay ang makasulat,
Dalamhati nang puso'y isiniwalat.

Ningas na tinta nang dramaturgo'y nguyngoy ang ritmo,
Bawat letra tila'y nais magreklamo.

Samu-saring pahayag di yata maintindihan
Kalyo sa daliri iniinda't masakit.

Bulong ng demonyo sa utak nag-iwan ng tatak
Hindi alam kung paano mawawasak.

Napuno nang palahaw ng takot at pagdududa
Di na alam kung paano mawawala
kung ang kamay puno na nang laso ni kalungkutan.

Kanyang mga akda napuno nang pagkabahala
Takot na di na makalaya sa kulungan ng nobela na siyang may gawa.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon