Panaginip,

12 0 0
                                    

Nandoon ako sayong tabi tuwing ika'y nalulungkot
Mga balikat na handang saluhin bawat patak ng iyong luha.
Bisig kong parating handa sa tuwing ika'y nanghihina na.
Pero ngayong ika'y payapa't masaya
Ano nang silbi nang isang tulad ko?
Na minsa'y kasama mong lumaban
Pinilit maging malakas para sayo
Upang ikaw ay may makapitan.
Pag-aaruga mo'y hanap ng puso
Init ng iyong yakap para maramdaman ako'y buhay pa
Pero di na maramdaman pagkat ako'y iyong nilisan.
Ako ngayon nanghihina't hinahanap iyong kalinga
Pero di na maibibigay dahil ika'y namaalam.
Gustong sumigaw ng puso kong nangungulila
Pero nawalan ng lakas kasabay ng paglubog ng araw.
Sa paglubog ng araw tanging hiling ay ikaw
Muling makasama't makita kahit sa panaginip lamang.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon