Pilipinas

1 0 0
                                    

Pilipinas, Paano kita maproprotektahan?
Kung sariling kalayaan,
Hindi namin makamtan.
Hustisya'y hirap din makuha,
Walang sapat na salapi para ito'y ipaglaban.

Mga pinagkaitan, dulot ay kahirapan.
Proteksyon na dapat amin,
Kami'y tinalikuran,
Para sa salapi't kapangyarihan.

Mga pinaglaban
Ng mga bayani parang nakalimutan.
Dahil sa mga taong sakim,
At gutom sa kapangyarihan.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon