munting hiling.

3 0 0
                                    

Sa gilid nang aking kwarto,
Nais doon manatili upang magtago.
Mas nanaisin pang gumapang sa ilalim ng kama
Kaysa lumabas para makita ang mga matang mapanghusga.

Uupo sa likod ng nakakarami,
Upang hindi mapansin nino man.
Takot na baka ako'y kausapin
At mautal sa mga salitang lalabas sa aking labi.

Yuyuko na lamang panandalian
Hanggang makarating sa aming tahanan.
Mga kamay nanginginig, pinagpapawisan
Takot ko'y kailan kaya lilisan.

Kaibigan na kasamang makakatawanan,
Kailan ko kaya mararanasan?
Takot ko na humarap sa marami,
Kailan kaya mawawala upang pangarap aking makamit.

Diyos ko, munting hiling sana iyong marinig.
Pakinggan ang tinig na may kapaguran,
Malunasan nawa takot sa aking dibdib
Na magkaroon na ng magandang ngiti ang aking mga labi.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon