kabataan

1 0 0
                                    

Tanong ng karamihan,
"Sila ba ang pag-asa ng ating bansa?"
Kung ang kinikilos iba sa inyong nauunawaan.
Hindi maunawaan ang kinikilos ng iilan,
Inuna ng mga nakatatanda
Na sila'y husgahan
Kaysa intindihin kung paano't saan nagsimula.

Sino ba dapat ituro na may sala?
‘Yung bang mga nakakasama sa tahanan?
O ang pamahalaan?
Na walang ibang inintindi
Ay kung paano itago ang bigat ng kanilang bulsa
Nakaw Mula sa ating mamamayanan.

Puro panghuhusga sa mga kabataan,
Mabangis ang mga tingin,
Matalim ang bawat salita,
Saan ba matututunan?
Kung ang mga kasapi ng tahanan
Ay harapan kung magbardagulan.

Tanong ng karamihan,
"Sila ba ang pag-asa?,"
Imbis isipin kung sila ang pag-asa,
Bakit di muna isipin kung paano sila magagabayan ng maayos
At hindi mapariwara.

Puro pangbubulsa ng mga nasa taaa,
Ang dapat na para sa mga bata na pag-asa ng bayan
kanilang ginasta para sa sariling interest at di ng bayan.

Tanong ng karamihan,
"Sila ba ang pag-asa ng bayan?"
Kung walang ibang naggagabay,
Kung di ang mga pangyayari sa kanilang paligid.

Walang gumagabay,
Walang umiintindi
Imbis sila'y tulungan
Ito kayo sila'y hinuhusgahan.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon