Chapter 2

437 29 3
                                    


Sa buong biyahe, salitan ang kuwentuhan namin at ang pagsabay ni Mia sa tugtog sa radyo. Nasa kalagitnaan na kami ng La Union nang bigla na lang siyang manahimik. Nang sulyapan ko, nakatulog na pala.

Hinayaan ko na lang. Puyat kasi siya. Nag-attend siya ng reunion nila ng mga kaklase niya sa elementary kagabi. At nang makauwi siya ay tinawagan pa niya ako para sabihin ang desisyon niya. Na pumapayag siya sa suggestion ko.

Napangiti ako. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili kong mapahugot ng malalim na hininga. Kahit kasi paulit-ulit na sinasabi ni Mia na hindi na issue ang nangyari noon, may mga pagkakataon pa rin na napakabigat ng dibdib ko. Nahihirapan akong patawarin ang sarili ko. I was a good-for-nothing son-of-a-bitch. A first class jerk. I crushed her fifteen year old heart. Paano ko siya nagawang saktan noon?

Pero napatawad niya ako. Bakit nga ba kasi ako nagtataka sa bagay na 'yon? Mia has a good heart. And I am really proud of the woman she had become.

Napangiti ako.

Gusto kong sabihing mas maganda siya ngayon, pero lalaki ang ulo niya kaya sasarilinin ko na lang ang opinyon ko. Hindi rin naman ako magsisinungaling at sasabihing mas bata siyang tingnan sa edad na niyang forty-two. But she really aged gracefully. Time had been good to her. Noong una nga nailang ako kasi nga parang kagalang-galang. Not a hair out of place. Mukhang hindi matatawaran ang dignidad.

Buti na lang inasar ko kahit nagsusungit. Hindi sana ako ganito kasaya ngayon.

Malapit na kami sa likuan pa-TPLEX nang magising siya.

"Sorry, tinulugan kita," sabi niya.

Sinulyapan ko siya. Itinatali niya ang hanggang balikat na buhok niya. "No prob." Bumaling na uli ako sa highway. "Matulog ka lang muna," sabi ko. Naramdaman kong humarap siya sa akin.

"Okay na ako," sabi niya. "Gusto mo ako naman?"

Siya ang magda-drive? Sa expressway? Alam kong sanay siya, pero bakit ko papagurin? "Kaya ko pa naman," sabi ko. "Ano, diretso lang ba ako? O Subic?"

"Ayoko sa Subic. Mainit."

Napangiti ako.

"Ba't ka nakangiti?"

"Pareho kasi tayo. Gusto ko din sa malamig na lugar." Tumawa ako.

Hindi siya sumagot. Sinulyapan ko uli. Blangko ang tingin.

Pinaalalahan ko ang sarili ko. Hindi ko siya dapat madaliin. It is quite obvious that she has reservations. At inaamin kong kinakabahan ako. Para bang anumang sandali ay sasabihin niyang ibaba ko na lang siya at papara na siya ng bus. Kaya inabot ko na lang ang baba niya. Pabiro kong ipinaling ang mukha niya. "Ngiti ka para hindi ka magmukhang forty-three. Saan nga? Manila?"

Hindi pa rin sumagot.

Sinulyapan ko. "Uy, Diosamia!"

"Parang ayoko rin sa Manila," sabi niya.

Pinigilan ko ang mapahugot ng malalim na hininga. "Saan mo gusto?"

"Father South, maybe?"

Hindi kaya makarating na kami ng Bicol? But her wish is my command. Makalipas pa ang tatlong oras, nasa bukana na kami ng SLEX.

"Gusto mo sa Tagaytay na lang?" Buong buhay ko hindi pa ako nakakarating ng Bicol. Sabi nila maganda ang Mayon Volcano. Pero naman... huwag naman ngayon! Next week puwede, hindi ngayon.

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon