Chapter 7

371 31 30
                                    


LOS Baños ang destinasyon sa ikatlong araw na magkasama kami ni Mia.

Wala 'yon sa plano. Habang nagbi-breakfast kami kanina sa café ng hotel, naitanong ko kung malapit na lang ba ang Los Baños. Malapit na lang daw pagkababa ng SLEX. Gusto ko raw bang pumunta? Tinanong ko kung ano ang makikita doon.

Maliban daw sa alma mater niya, nandoon daw ang pinakamasarap na buko pie sa buong Pilipinas, pati na rin ang paborito niyang chocolate cake. 'Yong cake daw na iyon, nagsimula lang daw na itinda noon sa isang maliit na bakeshop. Ngayon, napi-feature na sa TV.

Conscious na conscious sa bilbil daw niya, puro pagkain naman ang sinasabi.

But I'm really glad I let her take me to Los Banos. Nabibigyan ako ng pagkakataon na makita kung gaano siya kasaya noong kabataan niya. Kung paano ang naging buhay niya noong wala na ako sa eksena.

I am having fun watching her reminisce her college days. She looked animated. Sa bawat sulok 'ata ng lugar ng naaalala siya. Kung saan ang dorm niya dati. Kung saan may nag-shooting dati. Kung saan sila madalas gumimik. Kung saan siya pumuwesto noong una siyang makapanood ng Oblation Run at unang beses na makakita siya ng... well, male anatomy.

Walang duda na isa sa pinakamasayang panahon ng buhay niya ang pananatili niya sa lugar na ito.

Maraming mga estudyante. May naglalakad. May mga nakasakay sa jeep. Walang uniform. May naka-tsinelas pa.

"Summer classes?"

Umiling si Mia. "I think it's the second sem." August na raw ata kasi ang pasukan.

Pinag-park niya ako sa tapat ng Baker Hall daw. Lumang Building. May pool sa gilid. Doon daw ang PE Department. Doon daw sila nanonood ng concert no'n. Noong panahon daw ng mga pananakop ng mga ninuno ko, ginawa daw garrison ang Baker Hall.

Oo, sinabi talaga niya ang word na 'ninuno.' Mapang-asar. Wait. Alam n'yo na 'di ba? Na one-fourth ng nananalaytay na dugo sa mga ugat ko ay galing sa isang sundalong Hapones noong World War II? Ikuwento ko? Ayaw isulat ng writer.

"Mapi-preempt ang Book One."

Yep, that's what she said! Kaya wala akong magagawa.

May itinuro si Mia na malabay na puno sa dulo ng soccer field. Fertility tree raw ang tawag doon. Ayon daw sa mga kuwento, marami raw nahuhuli doon ang UP Police na nagdi-date tuwing gabi. Kapag umaga daw may mga napupulot daw na mga condom doon. Hindi nga lang daw niya alam kung urban legend lang 'yon.

I wanted to ask her if she ever went near that tree. Baka batukan ako.

"Alam ko ang iniisip mo, dela Merced," sabi niya. "Hindi pa ako nakalapit diyan, ever."

Hala, nakakabasa 'ata ng utak? "Wala akong iniisip na ganyan."

Lumabi lang siya.

"'Yong naging boyfriend mo no'ng college, 'yon din 'yong boyfriend mo no'ng Nine-Eleven attack?"

"Sino'ng mesabi na may boyfriend ako noong college?"

Tiningnan ko siya nang pailalim. "Wala ba?"

Nagkibit siya ng balikat. "Medyo lang."

Napasimangot ako. Paanong 'medyo'?" MU?

"'Pag naglalakad kami dati no'n, hawak niya ang kamay ko tapos sukbit niya ang bag ko."

Bakit parang nagseselos ako? "Bag mo tapos papabitbit mo?"

Sumimangot siya.

Sabi ko lang 'yon. Nakaramdam kasi ako ng inggit. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na gawin ang ganoon para sa kanya. Because I was a jerk. At hindi pa rin nasagot ang tanong ko kung iisa ba ang tagabitbit ng bag at 'yong boyfriend noong 9/11 attack.

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon