Chapter 15

367 32 83
                                    


PAGGISING ko, nakaupo si Mia sa gilid ng kama. Nakayuko. Nakasimangot.

"'Problema mo na naman?" tanong ko.

Itinaas niya ang reading glasses niya. Putol.

Napangiwi ako. It was bound to happen.

Bago kasi matulog, nagpi-Facebook muna o nagbabasa o kaya ay nagni-Netflix si Mia sa gabi, madalas nakakatulog siya nang suot pa rin ang reading glasses niya. Ilang beses ko nang kinailangan tanggalin 'yon sa kanya, pero dahil nauna akong nakatulog kagabi, magdamag niyang suot ang reading glasses. Ngayon, putol na.

"Bakit kasi hindi mo tinanggal no'ng makatulog ako?"

"Ano'ng magagawa ko kung nauna akong nakatulog?" Hinila ko siya. "'Lika muna dito. 'Tulog muna tayo. 'Aga pa, eh."

Lumapit naman siya. Niyapos ko. "Nakakainis. Nakakatakot pa namang lumabas para magpagawa. Tapos gustung-gusto ko pa naman 'to. Magaan."

Alam kong mabigat ang katawan niya. "Patingin."

Iniabot naman niya sa akin.

Putol nga sa may hinge. Hindi ako sigurado kung kakayaning idikit iyon ng Mighty Bond. "Ayusin ko mamaya bago ako umalis," sabi ko. May nakita akong hardware store sa malapit.

Dumikit siya sa 'kin. "Hapon ka ba talaga aalis? Bukas na lang ng madaling-araw. Nandoon ka na bago magtanghali."

Hindi siya kumportable na bumibiyahe ako ng gabi. "Oo, matutulog muna ako," sabi ko.

Nang mag-alas diyes, nagbihis ako. Sinabi kong bibili lang ako sa baba ng pandikit ng salamin niya. Pero hindi lang 'yon ang gagawin ko. I went to a nearby mall.

Makalipas ang thirty minutes, nag-text na si Mia. Hinahanap na ako. Sinabi kong hinihintay ko ang order kong kape namin.

<Nakita mo ang glasses ko?> tanong niya.

<Nope.> Pero ang totoo, dala ko ang salamin niya.Alam kong hindi niya 'yon aasikasuhin kaya ako na ang nagdala sa optical shop. Nagpagawa ako ng katulad na katulad. Dalawa.<Bili na rin ako lunch. Ano gusto mo?>

Pizza daw at chicken.

Wala pang isang oras ay nakabalik na ako. Mabuti na lang walang masyadong tao sa mall.

"Ang tagal mo," sabi niya. Habang binubuksan niya ang pizza, naligo na ako. Paglabas ko ng banyo nakatitig pa rin siya sa pizza. "Bakit 'di ka pa kumakain?"

"Hinihintay kita," sabi niya.

Naupo ako sa tapat niya. Ipinatong ko sa coffeetable ang putol na reading glasses at pandikit.

"'Kain ka muna," sabi niya.

"Mamaya na," sabi ko. "Para saktong medyo nag-dry na." Binuksan ko na ang pandikit.

Kumuha si Mia ng isang pizza. Inilapit sa bibig ko.

"Ang sweet, ah," sabi ko.

Pinadilatan ako. "Ayaw mo?"

Ngumanga ako. Habang ngumunguya ay nilagyan ko ng pandikit ang glasses. Pinatuyo ko sandali bago ko pinagdikit.

Sinubuan uli niya ako. "Kung sinabi mo lang na pupunta ka ng mall nagpabili na lang sana ako ng reading glasses sa drugstore."

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon