Chapter 5

573 39 35
                                    


PAG-AKYAT ko, nagpapatuyo na ng buhok si Mia habang nakaupo sa gilid ng kama. Suot niya ang puting robe ng hotel. Kung ano ang nasa ilalim n'yon... o kung mayroon pa ba siyang suot sa ilalim n'yon, siya lang ang nakakaalam.

Napalunok tuloy ako.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya.

"Bakit nag-shower ka na? Hindi mo ako 'inantay," sabi ko sa halip na sagutin ang tanong niya.

Pinaikot niya ang mga mata.

"Nag-warm-up ka na? Baka kailangan mo muna ng stretching," sabi ko. "O kailangan mo ng Flanax?"

"Ikaw, kung anu-ano ang sinasabi mo," sabi niya. "Umamin ka nga. Ninenerbyos ka, 'no?"

Napasimangot ako. Bakit alam niya? "Bakit ako ninerbyusin?"

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. You tell me."

Lumapit ako sa kanya. Yumakap ako sa baywang niya. "Bakit ka naka-lipstick?"

"Lipgloss lang 'yan," sabi niya. "Mahangin kanina. Nagda-dry."

I snorted. Sigurado akong para sa akin 'yon.

Itinulak niya ako pero hindi ko siya binitawan. "Ano 'sabi' ang nangyari!"

Ikinuwento ko na nang matigil siya.

"At least wala masyadong damage," sabi niya.

"Hindi ba talaga para sa akin 'yang lipgloss na 'yan?"

Tumingin siya sa mga mata ko. "Gusto mo rin ba? Lagyan kita?"

Tumawa ako. Inilapit ko na ang mukha ko sa kanya. Dinampian ko ng halik ang labi niya. The lipgloss was chocolate-flavored. "'Sarap," sabi ko. "Isa pa." Muli ko siyang hinalikan.

Itinulak niya ako. "Maligo ka na nga! Amoy usok ka."

Siyempre, maliligo talaga ako. Kailangang mabango ako para sa kanya. Tumatawang tinungo ko na ang direksyon ng banyo.

Iyon na 'ata ang pinakamabilis na naging pagligo ko sa buong buhay ko.

Pero para wala namang masabi ang bago kong roommate, isinuot ko din ang puting robe bago ako lumabas ng banyo. And I am still wearing boxer briefs inside the white, fluffly robe.

Inabutan ko si Mia na may kaaway sa phone. Nakaharap sa bintana. Mataas ang boses niya. Obviously, si Gael ang kausap niya. At ano na ang suot ni Mia? Naka-shorts na at T-shirt.

Napangiwi ako. Masamang pangitain.

"Hindi ka puwedeng pumunta sa malayo kasama ang mga kaibigan mo, Gael! Huwag ka nang makulit... And what about me? Ako ang nagtatrabaho. I can do whatever I want!"

Napahugot ako ng malalim na hininga. Kumuha na rin ako ng T-shirt at boxer shorts mula sa luggage ko. Isinuot ko na iyon. Sa tono ni Mia, malabo nang matuloy ang naudlot kanina dahil sa... humugot ako ng malalim na hininga.

Can I sue the hotel for moral damages?

Lumingon sa akin si Mia. Pinagkrus ang hintuturo niya sa labi.

Para namang mag-iingay ako? Ano ako, bata? Naupo ako kama. Sumandal sa headboard. Tumingin ako sa TV pero ang boses ni Mia ang naririnig ko.

"You listen to your Lola. Or better yet, don't listen to her. Lagi kang kinukunsinti."

Napailing ako. Kung gaano ka-close si Mia at ang Mamang niya ngayon, hindi ko alam.

"Ano'ng iniiling-iling mo, dela Merced?"

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon