Chapter 9

372 29 79
                                    


ISANG linggo na ang nakalipas pagkatapos ng birthday ni Mia nang lumuwas ako. Nataon iyon na may team-building daw sa isang nature park si Gael. Presidente raw kasi ng student council.

"'Asan ang gift ko?" tanong niya agad pagkakakita sa akin.

Noon ko pa tinanong si Bubbles kung ano sa tingin niya ang magugustuhan ni Mia. Sabi niya, mahilig daw si Mia sa mga bag. Pansin ko nga rin. Sabi ni Bubbles, noong nakaraan lang daw ay napag-usapan nila ni Mia ang Goyard. Kung ano ang hitsura n'on, hindi ko alam.

Pero hindi kaya siya magalit sa akin kapag binilhan ko ng mamahaling bag? Ewan ko. Malakas ang kutob kong magagalit siya. Baka isauli sa 'kin. Ano ang gagawin ko sa bag kung sakali? Lalo namang hindi puwedeng alahas.

Bags and jewelries can wait.

Binuksan ko ang backseat. Inilabas ko ang pamunas ng kotse. Kulay green na parang bimpo. Pantanggal ng alikabok. "'Ayan. Punasan mo din naman minsan ang sasakyan mo. Kababaeng tao..."

Nang mapamaang siya sa akin, gusto ko nang magsisi na hindi ko itinuloy ang pagbili ng bag para sa kanya. "May pampa-carwash ako. Wala lang akong time," sabi niya. Pero inabot din naman niya ang pamunas.

Tumawa ako. Binuksan ko uli ang backseat at inilabas ko na ang paper bag. Iniabot ko sa kanya.

Sinilip niya ang laman. Tumawa siya.

"Kailangan mo 'yan," sabi ko. It was a dashcam. Pinagdiskusyunan kasi namin 'yon noong una kong makita ang kotse niya. Wala siyang dashcam. 

"Thank you," sabi niya.

Mukhang na-appreciate naman niya. O mas maa-appreciate ba niya kung sakaling bag ang ibinigay ko? O ihahampas ba ang bag sa akin?

Pero may importante siyang tanong. "Wala bang tracker 'to?"

Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip 'yon? "Hindi ko naalalang lagyan." Tumawa ako.

Sinimangutan lang ako. "Ikaw ang dapat kong lagyan ng tracker. Sa leeg."

Tumawa lang ako. Willing naman ako. Ikabit niya sa wedding ring. Siya lang itong puro lang salita.

We spent the night together, and then I have to go back to San Clemente again the next day. Hindi ako puwedeng mawala nang matagal sa farm. May banta ng African Swine Fever.

Ganoon ang nagging set-up namin sa mga sumunod pang mga buwan. Hindi niya namamalayan na nagiging mas madalas na ang pagluwas ko. Hindi rin niya namamalayan na unti-unti na siyang nagdi-demand na lumuwas ako. And that made me extremely happy.

Bago magpasko, ipinakilala na ako ni Mia sa mga kaibigan niya. Umuwi rin sila ni Gael ng pasko. We somehow managed to be together a few hours before midnight on Christmas and New Years's Eve.

Si Gael? Walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Kapag kausap ko si Mia, gustung-gusto ko nang sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pero alam kong hindi ko puwedeng gawin. Alam kong masaya siya, pero alam kong marami siyang takot. She did not have to voice it out. Nararamdaman ko.

Dumating ang araw na kailangan kong pumunta ng U.S. Taon-taon kasi 'yon. Isang buwan lang naman. Huling linggo ng February ang flight ko.

Gusto kong puntahan si Mia ng Valentine's Day, pero ayaw niya.

"Mamaya sabihin nila sa San Clemente na may date ka," sabi niya. Lumuwas na lang daw ako ilang araw bago ang flight ko.

Siyempre, wala akong nagawa. Gusto ko lang namang magpaka-romantic pero ayaw niya. Naturingang romance writer pero hindi siya sentimental. Noong kabataan namin, palagi kong binibigyan ng love notes pero ni minsan wala siyang ibinigay sa akin na sagot. Malamang itinapon din niya ang mga love letter na iyon noon.

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon