Chapter 18

434 27 38
                                    


Lumipas ang mga linggo. Naiayos na namin ang mga gamit sa condo unit. Doon na kami tumuloy. And then she finally started writing my story. Kahit kapag sa cellphone lang kami magkausap, ini-interview niya ako.

"Sino ang first love mo, Zeus?"

Napakunot ako ng noo. "Kasama 'yan?"

Pinandilatan niya ako. "Siyempre! 'Di ba nga do'n sa kuwento ko ikinuwento ko doon pati si Nathan na first crush ko?"

Hindi ko 'ata alam 'yon. Hindi ko pa naman kasi nababasa ang kuwento niya. 'Tsaka na lang daw kapag na-print na. "Sino 'yang Nathan na 'yan?"

Ikinukwento niya. Ka-batch daw niya. Nasa California.

"Mas pogi kesa sa 'kin?"

Ikiniling niya ang ulo niya. Parang nag-isip. "Magka-level siguro kayo."

Lumabi ako. Maniwala ako. "Bakit hindi siya ang naging first boyfriend mo?"

"Kuwento mo na 'to, dela Merced. Love story mo na ang ikukuwento."

"Hindi ka siguro pinansin ng Nathan na 'to," sabi ko. "Ano na nga ang tawag ng mga bata ngayon sa ganoon? Friendzone." Tumawa ako.

"Bata pa kami masyado no'n," singhal niya. "Pero sabi niya last year crush din daw niya ako no'n."

Lumabi ako. "Sabi lang niya 'yon," sabi ko. Pero hindi ko nakikita ang sarili ko na sasabihan kong crush ko noon ang isang kaklase ko kung hindi totoo.

"Hindi ako ka-crush-crush?"

Tumawa ako. "Joke lang, biagko."

"'Bilis na, sino ang first love mo!" She sounded impatient. Hindi ko alam kung excited dahil sa isinusulat niya o nginangatngat ng kuryusidad.

"Hindi mo alam?"

"Itatanong ko ba kung alam ko?"

"Kung sabihin kong ikaw, maniniwala ka?"

"Huwag mo akong pinaglololoko. Alam kong hindi ako."

"Bakit mo alam?

"Tanga ka ba? Marunong ka nang humalik no'n."

Tumawa ako. Kung hindi lang ako binigyan ng compliment magagalit na ako. Mura nang mura sa 'kin. "'Di ba puwedeng instinct 'yon? 'Tsaka ikaw din naman no'n, marunong ka na."

Pinikot niya ang mga mata niya.

"At ano ba ang pinag-uusapan natin? First love? First girlfriend? O first kiss?"

"Hindi ba iisa 'yon dapat?"

"Iisa ba 'yon dapat?"

Hindi siya sumagot agad. Parang nalito na rin 'ata ang writer. Masarap asarin minsan.

"Bilis na, sino ang first girlfriend mo!"

"Classmate ko ng elementary," angil ko. "Si Abigail."

"'Yong valedictorian ng batch n'yo?"

Para namang gulat na gulat siya. "Natatandaan mo pa siya?"

"Oo, laging sumasali sa declamation contest no'n tapos iiyak-iyak sa stage. Tanda ko pa 'yong declamation piece niya no'n. 'Mother, here's your medicine... Mother? Mother? My mother is dead!' Tapos luluhod na siya sa stage. Iiyak."

Tumawa ako. Hindi ko na natatandaan 'yon. This woman is really something.

"Paano mo naging girlfriend?"

"Eh, 'di binigyan ko ng loveletter kasi nga crush na crush ko no'n. Nilagyan ko pa ng 'smile before you open' 'yong labas ng papel. Tapos... ayoko na palang magkuwento." Kahit naman napakatagal na n'on nakakailangan pa ring ikuwento ang ex-girlfriend sa girlfriend na ngayon uli na dating ex-girlfriend. "Mamaya magselos ka."

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon