Chapter 11

304 31 45
                                    


TUMAYO na rin ako mula sa pagkakasalampak sa couch. Binuksan ko na ang main door.

Pumasok si Athena. May kipkip na brown paper bag na may nakalabas na dahon ng celery. "Hi, Dad! I didn't close the trunk."

"'On it. Marami ka bang binili?"

"Good for a month, I guess," sabi niya bago bumaling siya kay Addie. "Hi, princess! You know the drill." Iyon ay ang hindi muna puwedeng lumapit sa kanya si Addie hangga't hindi siya nakakapagbihis.

Lumabas ako ng bahay at nilapitan ko ang kotseng nasa driveway. Puno ang trunk. Pagpasok ko, wala si Athena. Malamang dumiretso na sa banyo gaya ng palagi niyang ginagawa kapag nakakauwi. Inilagay ko sa pantry ang mga pinamili niya. Nang muli siyang bumaba ay nakabihis na. Inabot niya ang isang supot ng potato chips. Binuksan iyon.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Bigla ko na namang naalala si Mia at ang gintong potato chips. Same brand.

"'You okay, Dad?"

"Of course. I'm having the time of my life. I don't have to get up early to go to work. No stress. Addie and I are having fun. Right, sweetheart?" Pinisil ko ang ilong niya.

Nagkibit si Athena ng balikat. "I don't know. You look sad. Trouble in paradise?" Medyo tumawa siya. "Lovers' quarrel?"

I snorted. "What are you talking about?"

Tumawa siya. "C'mon, Dad!" Kami pa daw ba naman ay maglolokohan pa.

Tumawa ako. Nakumpirma ako ang sinabi ni Addie kanina. May alam nga si Athena Kung sabagay, hindi ganoon kalaki ang bahay. Imposibleng hindi niya naririnig kapag kausap ko si Mia.

Puwede ko bang sabihin kay Athena? I want to. I want to tell her how wonderful Mia is. I want to ask her how she felt about me being in a real relationship. Pero baka itsisimis niya sa nanay niya. Hindi magugustuhan ni Mia.

"What's her name again? Mia?" Tumawa siya. "And don't you worry about me talking to Mom about it. You have my loyalty."

Lumakas ang tawa ko. Athena, really, is a daddy' girl. Ako ba naman ang mag-isang nag-alaga sa kanya sa unang dalawang taon ng buhay niya. At magkamukha kami. "Yes, Mia." Buong buhay ko, ni minsan ay hindi ko inisip na balang-araw ay kakailanganin kong magkuwento sa mga anak ko ng tungkol sa lovelife ko.

Ngumiti siya. "Chico likes her."

Napakunot ako ng noo. "Alam ni Chico?"

Ngumiwi siya. Nag-peace sign. "It was actually I who spilled the beans. Sorry?"

Pinigilan ko ang mapahugot ng malalim na hininga. Pinagtsimisan ako ng mga anak ko.

"I asked him the other day if he knew somebody in San Clemente named Mia. He seemed excited." Marami raw naikuwento si Chico tungkol kay Mia. That she is a veterinarian and a romance writer. Si Gael.

"Just tell him not to tell your mom. Mia won't like it." Sinabi kong hihiwalayan ako ni Mia kapag kumalat.

Tumawa siya. "How's she like? Is she pretty?"

Ikiniling ko ang ulo. That's not exactly the word that I would choose to describe Mia. Hindi bagay. She is too strong for that word. "She is lovely inside and out. She is perfect." And I found myself smiling.

Ngumiti si Athena. "I like her already."

Napasimangot ako. "You haven't even met her yet."

"She can make you smile. That's more than enough reason for me to like her. I haven't seen you smile like that in years." Noong ipanganak na lang daw ata si Addie.

LOVE, ZEUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon