27. Missing One

1.3K 34 1
                                    

KABANATA XXVII - MISSING ONE

NAPAUPO si Kim sa may sofa at ipinikit ang mata niya. Gusto niyang sariwain ang kanyang alaala noong dinala siya ni Loraine sa bahay nina Hulio.

"Kim, walang nagawa ang Tito Anton mo kung ba't gusto namin mag-trabaho dito..." Sagot ni Loraine habang nakatingin pa rin ito sa baba na tila nahihiyang humarap kay Kim.

"Pwes, ano?! Ano ang pakay niyo?!" Sigaw niya. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya. Umalis siya ng bahay nila inaasam na makakuha siya ng mga sagot sa tanong niya ngunit hindi niya alam na nandirito lang naman pala ang mga sagot na hinahanap niya. "Loraine, sumagot ka! Buhay ng pamilya ko ang nakataya dito! May koneksyon kayo ni Mang Hulio sa batang iyon ano?!"

Hindi pa rin siya tinitingnan ni Loraine. Bagkus, umiiyak ang dalaga habang tuluyan ng naupo sa kahoy na silya. "Oo, Kim."

Nabigla si Kim sa kanyang mga narinig mula kay Loraine tila nanghihina ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa sahig. Hindi niya inaakalang nasa malapit lang pala ang kaaway. "b-bak-bakit m-mo i-ito g-ginagawa?"

 

"Nag-trabaho kami para sa Pamilya Dela Vega upang isa-isa silang patayin..." Tugon ni Loraine at sa isang iglap humarap ito sakanya.

Ito na ang hinihintay na sagot ni Kim. Simula pa lang ay nagdududa na siya sa kabaitan ni Mang Hulio, sa biglang pag-sulpot niya sa bago nilang bahay. Ito ang mga katagang kanyang matagal ng hinahanap ngunit ngayo'y naririnig niya ito'y parang mas lalo siyang nabalot ng takot. Pinilit niyang maging matapang at tiningnan ng maigi si Loraine sa mata. "Bakit niyo kami gustong patayin."

 

"Kim, hindi mo naiintindihan," At lumapit si Loraine ng isang hakbang patungo sa kinatatayuan niya at mabilis siyang napaatras.

"Huwag! Huwag mo akong lalapitan!" Sigaw niya kay Loraine at mabilis niyang inilibot ang mata upang makahanap ng bagay na pwede niyang maging armas.

"Kim," Pag-uulit ni Loraine at napabuntong-hininga ito. "Si Mang Hulio. Delikado siya. Kanya niyang manipulahin ang isang tao."

 

"At anong kinalaman noon?! Ba't niyo kami gustong patayin!" Sigaw ni Kim habang namumula na ang kanyang mga pisngi sa galit.

"Dahil kay Concepcion." Tugon ni Loraine.

Concepcion? Ngayon lamang niya narinig ang pangalang iyon. Kamag-anak kaya nila si Concepcion? Isa bang Dela Vega si Concepcion?

 

"Si Concepcion ay ang ina ni Ida." Pag-papatuloy ni Loraine. Kilala niya si Ida. Isa ito sa mga taong nakasama sa reunion ng pamilya Lopez na nawawala hanggang ngayon.

"N-Nasa'n ang p-pamilya Lopez?!" Sigaw niya. Bagama't pinilit niyang maging matapang ay di niya napigilan ang takot sa kanyang boses.

"Gusto mo ba talaga silang m-makita?" Naramdaman rin ni Kim ang nginig sa boses ni Loraine nang marinig niya ang salitang 'makita'. Nabigla naman siya ng umalis si Loraine sa kanyang kinatatayuan. Nawala ito sa kanyang paningin sa madilim dilim na paligid ng bahay. May nakita si Kim na payong na may matulis na dulo at mahigpit niya itong hinawakan bilang armas.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Where stories live. Discover now