19. Caught Off Guard

1.7K 38 1
                                    

KABANATA XIX - CAUGHT OFF GUARD

NIYAKAP ni Caroline ang sarili habang ninanamnam ang lamig ng paligid. Alas nuwebe na ng gabi at nasa kakahuyan na siya gaya ng napagkasunduan ng nag-text sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Lahat ng nakikita niya ay puno at damuhan lamang at ang bilog na bilog na maliwanag na buwan. Napabuntong hininga siya, ito na yata ang huling bagay na makikita niya sa mundo. Kinakabahan pa rin siya sa pwedeng mangyari ngayong gabi. Ilang minuto rin siyang palakad lakad sa basang damuhan. Hindi yata isa na naman ito sa biro ni Kim? O kaya naman napag-katuwaan na naman siya Emielyn. Hindi malayong hindi siya mapakatuwaan ni Emielyn dahil sa traumang inabot nito ay kailangan niya ng mapaglilibangan. Ngunit hindi na lumalabas si Emielyn ng kwarto niya. Mag-hihintay na lamang siya ng ilang minuto upang maging sigurado. Mahigpit niyang hinawakan ang sandatang kanyang binitbit habang pinagmamasdan ang paligid. Ang kutsilyo niya.

-----

NAGISING na lamang si Letty nang marinig niya ang natatarantang tinig ni Hulio. Agad niyang ginising si Tonio at nag-mamadali nilang kinuha ang kanilang panlamig. Bumaba sila sa malaking hagdan at nakita ang mga kamag-anak sa sala. Nakapalumbaba ang lahat.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Tonio sa mga kamag-anak.

"May bagyo raw na parating. Hindi kami pwedeng umalis dahil sa lakas ng ulan at..." naputol si Rey sa kanyang pagsasalita.

"At ano?" Tanong ni Letty.

"Wala na tayong pagkain." Nakayukong tugon ni Diana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali si Letty sa mga ikinilos ni Diana. Ilang sandali matapos ang insidenteng iyon ay bumalik na siya sa pagkakahiga at hindi na niya alam ang nangyari kay Diana matapos niyang sabihang bawal mamalagi sa ikatlong palapag.

"Kailangan nating mag-restock ng tubig, pagkain, mga kandila at mga battery..." Natatarantang tugon ni Allan habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang pitaka. "Ngunit sino ang aalis para bumili?"

"Ang mga lalaki... Isama niyo na si Hulio." Tugon ni Letty habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang rosary. Nasa'n na kaya ang anak niyang si Kim? Nasa mabuti kaya itong kalagayan? Kailangan niyang makausap ang kanyang anak. Kailangang makauwi si Kim. "Miko, tawagan mo ang Ate Kim mo. Sabihin mong umuwi na siya bago siya abutan ng bagyo."

"Opo Ma!" At tumakbo ito ng kwarto upang kunin ang telepono ng ina.

Tiningnan naman ni Letty ng masama si Tonio. Kahit kailan ay hindi nagpakita si Tonio ng pag-alala kay Kim. Kahit kailan ay hindi nito minahal ang sarili nilang anak.

"Hindi. Dapat tayong lahat ang bibili ng pagkain. Iwanan na natin ang mga bata dito," Sagot ni Rey na nakapukaw ng atensyon nilang lahat. "Kailangan nating maging isang pamilya sa panahon ngayon. Kailangan nating magkaisa."

"Tama si Rey." Nabigla naman si Letty sa tugon ni Tonio. Kailan pa natutunan ni Tonio ang salitang pamilya?

"Maiiwan ako kasama ang mga bata." Presenta ni Christina.

"Sasama ako sa'yo!" Tugon naman ni Letty at binigyan siya ng ngiti. "Kailangan kita dito Stella." Halata namang nabigla si Stella at ang lahat sa sinabi ni Letty. Ang alam nila'y kinamumuhian ni Letty si Stella ngunit tama nga si Rey. Bulong niya sa sarili. Malamang ay dapat patawarin na niya si Stella sa mga ginawa nito sa kanya. At kailangan na niyang tanggapin si Stella bilang pamilya.

-----

TILA butil butil ng ulan ang bumuhos sa bahay nina Tonio't Letty nang makaalis na ang mga kamag-anak. Nakasakay ito sa sasakyan ni Rey, isang van na siguradong magkakasya sila. Ilang sandali pa ay nag-luluto ng sopas si Letty sa kusina. Nagtataka naman si Christina nang pag-pindot niya sa 'ON' ay walang lumabas, wala silang mapanood na kahit isang channel.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Where stories live. Discover now