4. Another Wicked Joke

2.3K 70 16
                                    

KABANATA IV - ANOTHER WICKED JOKE

UMIIHI si Marion nang maramdaman niya ang pagkapit ng mga kamay ni Stella sa kanyang bisig.

"Namiss kita..." bulong ni Stella sa kanyang tenga. Mapusok ang bawat litanya nito. Tila nanghahamon. Naramdaman niya ang pagtigas ng kanyang pagkalalaki.

"Wag dito... Nandiyan ang mga bata." Sinilip ni Marion sina Caroline at Toby mula sa banyo.

"Tinatanggihan mo na ba ako?!" Nakaramdam siya ng sakit sa bandang ibaba. Tumingin siya doon at nakitang hinahawakan ni Stella ang kanyang pagkalalaki. Kung kanina ay mapusok at malambing siya ngayon ay may galit na ito. Hindi lang niya hinahawakan ang pagkalalaki nito kundi dinidiinan niya at tila pinipiga. Pwersahan niya itong hinahawakan. Sino ka nga ba Stella? Ano nga ba ang totoo mong pagkatao?

Napapitlag siya sa sakit na kanyang nararamdaman. "S-sige." Pumayag nalang siya at isang oras siyang pinaligaya ng mga haplos ni Stella. Ngunit makamundong pagnanasa lamang ang kanyang naramdaman, hindi niya naramdaman ang pagtatalik bunga ng pagmamahal. Matapos iyon ay lumabas na siya ng banyo.

Napangiti si Stella. Hawak niya sa leeg si Marion. Sino ba naman ang di makakatanggi kay Stella Dela Vega, isang sikat na modelo. Ipinasada niya ang katawan sa mainit na shower. Umuusok iyon na nagdala ng kakaibang init sa kanyang katawan. Masarap iyon sa pakiramdam.

Matapos niyang maligo ay humarap siya sa salamin. Nakita niya ang hubo't hubad niyang katawan. Sino ba naman ang hindi magpapakamatay matikman lamang ang kanyang katawan. Tumagilid siya ng konti upang makita ang kanyang malusog na pwet. Napakunot ang noo niya nang muling mapagmasdan ang balat sa kanyang braso. Sino nga ba ako? Sumakit ang kanyang ulo.

"May mga bagay na di na dapat balikan. Sumasakit ang ulo mo kung may alaala kang pilit inaalala." Muli niyang naalala ang bilin ng kanyang psychiatrist.

"Ma!" Natauhan siya nang mag-salita si Caroline, ang panganay na anak ni Marion. "Matagal ka pa? I need to go in there na!" Sagot nito.

"Ah, sandali na lang!" Muli niyang tiningnan ang perpekto niyang katawan at sinuot ang bathrobe. Pinihit ang seradura upang mabuksan ang pinto. Nagtagpo ang mga mata nila ni Caroline.

Nanlilisik na hinawakan nito ang braso niya. Tila pinipiga nito ang buto at laman niya. Na halos mapasigaw siya sa sobrang sakit. "WAG KANG UMASTANG PAMILYA KA DAHIL SAMPID KA LANG! TINAWAG LANG KITANG MAMA DAHIL UTOS IYON NI DAD!"

Wala siyang nagawa. Totoo ang lahat ng sinabi ni Caroline. Sampid lamang siya. Nakita lamang siya ng kanyang psychiatrist noon sa gitna ng daan at binihisan siya nito at ginawang tao. Hanggang sa nakilala niya si Marion, na uhaw na uhaw sa pagmamahal at pagkalinga ng asawa mula sa yumao nitong... Muling, sumakit ang kanyang ulo. May mga bagay na dapat ng ibaon sa lupa gaya ng pagbaon ng mga bangkay sa limot.

Napagdesisyunan niyang bumaba upang tulungan si Letty sa pag-luluto ng kanilang hapunan. Pagkarating niya roon ay napansin niya ang isang babaeng kumakanta habang nag-huhugas ng pinggan. Nakabestida at kulubot ang balat nito, isa yata itong matandang babae., w-walang buhok?

"Ili-Ili tulog anay
Wala diri, imong nanay
Kadto tienda bakal papai
Ili-Ili tulog anay"

"Letty? Tulungan na kita diyan!" Nabigla na lamang siya nang humarap ang matanda. Mukha itong lalaki ngunit ba't ito nakabestida?

"Ako si Concepcion. Maganda ba ang boses ko? Sabi ng aking inay ay hindi pero naniniwala akong maganda ang boses ko! Katulong ako dito nila Letty." Sagot niya.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Where stories live. Discover now