5. Lustful Needs

2K 68 25
                                    

KABANATA V - LUSTFUL NEEDS

KASALUKUYANG nagbabasa si Allan ng dyaryo sa kwarto nang may mahagilap ang kanyang mga mata. "Senator Allan Saavedra May Kabit." Muli niyang iginala ang paningin sa pahinang iyon at tiyak siyang siya nga ang nasa litratong may kahalikang babae sa kotse.

"ALLAN! ANO NA NAMAN BA TONG NASA DYARYO HA?! MAY KABIT KA?!" Agad siyang napabalikwas nang biglang pumasok ang kanyang misis na si Diana Dela Vega Saavedra. "Honey, hanggang ngayon di ka pa rin ba nasanay? Halos araw araw nalang may chismis na kumakalat tungkol sa akin. Edited lang yang litratong iyan!" Sagot niya habang hinahawakan ang magkabilang balikat ni Diana. Ngunit alam niyang ang lahat ng nasa balita ay totoo. May kabit siya, matagal na niya itong tinatago sa kanyang asawang si Diana. Mahal na mahal niya kasi ang parehong babae.

"Are you sure Hon?" Maamo ang mga mata ni Diana na tinanong siya.

"Oo naman. Hinding hindi ako magtataksil sa napakaganda kong asawa!" Ngiti nito habang hinahaplos ng mapupulang pisngi ni Diana.

"I knew it! Alam kong hinding hindi mo ako pagtataksilan! Love you Hon!" At binigyan ni Diana si Allan ng isang napakainit na halik. "Hon, labas muna ako ha? Doon muna ako sa likod bahay?" Pagpapaalam ni Allan kay Diana na natutulog na naman. Kahit maganda at matalino si Diana ay hindi maipagkakailang isa siyang tamad. Wala siyang alam gawin kundi ang matulog at mag-internet buong araw. Tanging ang pagiging Senador lamang ni Allan ang bumubuhay sa kanila.

Pababa na ng hagdanan si Allan nang may nakita siyang matandang babae patakbo mula sa kinaroroonan niya. Nagbanggaan sila at nahulog silang dalawa. Tinulungan ito ni Allan upang makatayo ito.

"Ayos lang ho ba kayo?" Tanong ni Allan sa matanda.

"Sa palagay mo ayos lang ako?!" Nabigla si Allan sa buo at lakas ng tinig ng matandang babae.

Hindi naaaninag ang mukha nito dahil sa puting buhok at telang nakasalukbo sa ulo nito. "Manang--"

"Concepcion. Ako si Concepcion." Saway ng matandang babae sa kanya.

"Hulio?! Mang Hulio! Tulungan mo nga ako dito." Narinig ni Allan ang sigaw ni Letty mula sa kusina. Nilingon niya ito at nakitang nag-huhugas ng plato sina Letty at Stella. Nakarinig na lamang siya ng malakas na pagsara ng pintuan dahilan upang muli niyang lingunin ang matandang babae ngunit wala na ito sa kanyang pag-aakay. -----

MATAPOS mag-hugas ng mga pinggan ay tinanong niya kung may ipapagawa pa ba si Letty sa kanya ngunit wala siyang nakuhang sagot kundi isang irap lamang ang ginanti nito sa kanya.

Naisipan niyang mag-painit muna kaya pumunta siya sa kwarto at inaya ang natutulog na si Daniel na makipagtalik. "Hon, pagod ako! Kanina pa tayo diba?" Sagot ni Daniel habang gumulong ito ng kama patalikod sa kanya.

"Hon, sige na!!! Pumayag ka na!!!" Sagot ni Sophia habang patuloy pa rin ang pag-haplos nito sa katawan ni Daniel inaasam na makaramdam ito ng kakaibang init na kanyang nararamdaman.

"Hon, please! Matutulog na ako! Napagod ako sa byahe."

 Nagmamaktol na lumabas si Stella sa kwarto. Kailangan niyang mailabas ang init na kanyang nararamdaman. Kailangan niyang makaramdam ng init ng mga haplos ng isang lalaki. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang isang lalaking nag-sisibak ng kahoy, nakasando ito at kitang-kita ang mga malalaking brasong ubod ng tigas. Napasinghap ng palihim si Stella nang nginitian siya ng lalaki.

Lumapit siya rito upang makausap ang kanyang pinagnanasahan, "Para saan ba iyan?"

"Para mamaya ito upang hindi tayo lamigin. Malamig daw talaga kasi dito pag gabi." Sagot ng lalaki. Sandali nitong pinahid ang pawis sa noo at nag-patuloy sa pagsisibak. Natigilan na lamang ang lalaki nang haplusin siya ni Stella sa kanyang pantalon. Nabigla siya dahilan upang lumiyad ito ng konti. "Anong ginagawa mo?!" Sagot nitong may pagtataka sa mukha.

"Sige na! Alam ko namang di mo ako matatanggihan." At binigyan siya ni Stella ng makabuluhang ngiti.

"Pumunta ka sa kwarto ko at doon tayo magsasaya." Ginantihan naman niya si Stella ng isang nakakalokong ngiti. Sinundan naman ni Stella ang makisig na lalaki sa kwarto nito.

Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay nakita na niya ang hubad na katawan ng lalaki. Nakangiti ito habang hinihintay pa rin si Stella na gumalaw. Napako kasi ang paa nito habang pinagmamasdan ang mala-Macheteng katawan ng lalaki. Agad tumakbo si Stella sa lalaki at hinalikan ito. Marahas silang naghalikan. Halos isang oras nilang pinagsaluhan ang isa't isang katawan.

"Ugh," Napaungol si Stella habang naramdaman niya ang kakaibang boltaheng tumatakbo sa katawan niya dahil sa mga haplos na ibinibigay ng lalaki.

 "Masarap ba?" Ngiting tugon ng lalaki sa gitna ng kanilang paghahalikan. Napaungol si Stella sa init ng hininga ng lalaki sa tenga niya.

Bigla siyang kiniliti, "Oo. Sa'n mo to natutunan?"

Magsasalita na sana ang lalaki nang biglang bumukas ang pintuan. Nabigla silang dalawa at agad bumitaw sa isa't-isa. Napasigaw ang babaeng nasa pintuan, "TONIO?!"

=======×=======

Mas maaga sana ang update kasi di pumasok yung prof namin sa Theo. Yun pala, imomove yung Theology Class namin sa Saturday. Huhuhuhu 7:30-9:30 for a minor subject. -_-'

At ang bagong update ng Wattpad sa phone ay pangit. Sorry Wattpad pero para sa akin na Gingerbread (2.3.4) Android lang, di kakasya yung environment for typing. Di ko rin to maibobold and maiitalicize kasi hindi ako nakacomputer. Kaya sorry Readers! :> 2K na pala ang FR?! O_o Maraming Salamat. Di na ako mag-spespeach kasi UD lang naman habol niyo =_= Hahaha!

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Where stories live. Discover now