6. Wife's Indignation

1.8K 64 9
                                    

Yieee! Ansarap mag-update sa aming bagong Library kasi pwede kang humiga higa at matulog! Medyo may pag ka The Legal Wife ang peg nito. PS. Love song pinapakinggan ko habang ginagawa ko to. Hahaha. Here's Kabanata 6!

 =======×=======

KABANATA VI - WIFE'S INDIGNATION

SANDALING napako si Letty sa kanyang kinatatayuan. Unti unti niyang iniisip ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Nakahubad sina Stella at Tonio, nakasampa si Tonio sa taas ni Stella pareho silang nabigla sa pagdating niya.

"TONIO?! ANONG GINAGAWA MO KASAMA IYANG MALANDING IYAN!!!" Sigaw sa bawat hakbang niya ay unti-unting umaatras ang dalawa. Tila isa siyang leon na kinatatakutan ng kawawang daga.

"Letty... Magpapaliwanag ako! S-Siya..." Tinignan ni Letty kung saan nakaturo ang hintuturo ni Tonio at nakaturo ito sa isang taong kinamumuhian niya-- si Stella.

 "You don't under--" Isang malutong na sampal ang iginawad niya sa makinis at maputing pisngi ni Stella. Dalawang beses na siyang pinagtaksilan! Hindi na niya ito pwedeng palampasin.

"Understand?! Ano pa bang kailangan mong ipaliwanag Stella?! Inagaw mo ang asawa ko!!! Mang-aakit ka!!! Ahas ka!!!" Nanggagalaiti na sagot ni Letty. Halos madurog na ang kanyang ibabang labi sa kakakagat niya.

"Ano ba Letty, lalaki lang iyan! Besides hindi ko naman siya gusto! Katawan lang niya ang habol ko!!!" Sigaw ni Stella. "Hindi rin naman ako matanggihan ng asawa mo kasi mas maganda ako sa'yo!" Kinuha ni Stella ang pinakamalapit na kumot upang takpan ang hubad niyang katawan. Nilagpasan niya ang nakatungangang si Letty at isinara niya ang pinto.

Napangiti siya. Wala pa rin kasing lalaki ang tumatanggi sa kanya. Tila isa siyang Dyosang hindi kayang tanggihan ng isang lalaking nilalang. Agad siyang pumunta sa kwarto nila ni Marion at dumiretso sa banyo. Halos isang minuto rin siyang nakababad sa mainit na tubig nang may kumatok sa pinto at tinawag siya, "Hon, kakain na tayo!" Si Marion siguro.

"Mamaya na ako Hon!" Sigaw niya rito.

 -----

PABALING baling sa kama noon si Kim. Wala pang isang oras at natitiyak ni Kim na natatakot na sila Caroline at Emielyn sa basement. Napagpasiyahan niyang mali ang ginawa niyang paghihiganti kaya bumaba siya at binuksan ang pintuan ng basement. Kapag naisara na kasi ito mula sa labas ay hindi ka na maaring makalabas. Wala kasi itong seradura mula sa loob kaya kung sino man ang makulong sa loob ay hindi na makalalabas maliban na lamang kung bubuksan ito mula sa labas.

"Caroline... Emielyn? Sorry sa ginawa ko! Pwede na kayong lumabas." Sigaw ni Kim mula sa labas ng bahay. Hindi siya mahpapauto sa kanyang mga pinsan. Kung tuso siya, mas tuso pa ang kanyang mga pinsan kung tutuusin.

Nanatili siya sa labas ngunit wala paring nilalang ang lumalabas. Nakaramdam siya ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi kaya namatay ang dalawa dahil sa suffocation?

Naalala niya tuloy ang kwentong ikinikwento sa kanya ng Mama Letty niya noong bata at mahirap pa sila. Apat daw ang kapatid ni Tonio ngunit ang isang kapatid niyang si Jules ay namatay sa suffocation. Pinatay daw ito ng isang babaeng pumatay rin sa mga magulang nila kaya maagang naulila sina Tonio, Rey, Marion at Diana.

 Sandali siyang natigilan nang may mabigat na kamay na humawak sa kanyang balikat. Napabalikwas siya at lumingon. Nakita niya ang nakangiting si Hulio.

"Anong ginagawa mo rito Hija?" Naiinis siya sa Hulio'ng ito. Hindi niya alam kung bakit parati itong nakangiti. Gusto niyang malaman kung sa'n nanggagaling ang saya na nararamdaman niya.

Tinaas niya ang isang kilay. Gusto niyang galitin itong Hulio'ng ito. "Anong paki mo tanda?!"

Sandali nitong sinilip ang basement sa likuran ni Kim, "Alam mo bang maraming multo sa basement na ito? Maraming namatay dito. Matagal na kasi tong bahay na ito."

"Ano bang pinapalabas mo?!" Sagot niya rito. Nakapameywang lamang siya.

Sumeryoso ang mukha ni Hulio. Nakatingin ang mga mapuputlang mata nito kay Kim. "Magandang pag-taguan ng bangkay ang basement na ito. Wag kang mamamalagi rito Hija." Sandaling kumabog ng malakas ang dibdib ni Kim ngunit napalitan ito ng ginhawa ng ngumiti si Hulio. "Handa na nga pala ang pagkain."

Huminga ng malalim si Kim at nilagpasan si Hulio, umaasang hindi isara ni Hulio ang basement nang sa gayon ay makalabas ang kanyang mga pinsan. Dahil alam niyang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin si Mang Hulio mula sa likod niya.

=======×=======

HELLO! Busy week. Magpreprelims na kaya sorry nalang kasi hindi siguro ako makakaupdate. Hehe. Peace po! Hindi namn kasi daily ang update ko. At wag rin kayong mag-demand kasi magiging sabaw ang UD niyan. Hehe ^_^

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Where stories live. Discover now