9. Then Who is She?

1.8K 60 8
                                    

I'M WALKIIIIN ON AAAAIIIIRRRRR!!! NA-LLSS AKO SA KANTA NI TONI GONZAGA NA THIS LOVE IS LIKE AT YUNG DI BA HALATA. DABEST ALBUM NIYA. PAKINGGAN NIYO. Moving on na tayo sa Kabanata 9. ^_^

=======×=======

KABANATA IX – THEN WHO IS SHE?

NABABAGABAG pa rin si Stella sa kanyang mga sinabi kay Miko noong gabing iyon. Parang totoo lahat ng mga nangyari kagabi. Totoo nga ba iyon o panaginip lang? Nagising siya at nasa kama na siya. Hindi niya alam kung totoo bang lahat ngunit sana panaginip lang ang lahat, ayaw niyang masira ang pamilya Dela Vega dahil sa kanya. Oo, legal na asawa na niya si Marion ngunit hindi ibig sabihing isa na nga siyang Dela Vega, marami pa rin ang may ayaw sa presensiya niya. Gusto niyang patunayan sa mga kaanak ni Marion na karapat dapat siyang maging parte ng Pamilya Dela Vega. Napabalikwas na lamang siya nang may marinig siyang isang naputol na sanga ng puno. Napatingin siya sa labas at tila may nakita siyang anino ng isang babaeng nakatitig lamang sa kanya.

-----

NATUTULOG si Tonio sa may basement kasama si Loraine. Pareho silang napagod sa magdamagang pagtatalik. Napangiti si Loraine habag pinagmamasdan ang hubad na katawan ni Tonio. Tila isang anghel na natutulog ito sa sahig ngunit naalala niya ang mga bilin sa kanya ni Hulio, "Kahit gaano kabait at kaanghel ang isang tao, wag na wag kang mag-titiwala sa mga ito."

Marami siyang natutunan nang simula siyang ampunin ni Hulio, mas naging bukas ang kanyang inosenteng isipan nang sumama siya kay Hulio, mas naramdaman niya ang tunay na kulay ng salitang pamilya. Nabigla na lamang siya nang magising si Tonio'ng nakangiti sa kanya.

"Good morning." Pambungad nito sa kanya. "Kamusta ka?"

Namula siya sa mga ngiting pinapakawalan ni Tonio, nasisilayan niya ang nakakabulag na ngiti niya. "Okey naman. Ang galing mo pala!" Tugon ni Loraine habang inaalala ang mga ginawa nila kagabi. Tila mas umiinit ang pakiramdam niya kapag inaalala ang mga pangyayaring iyon.

"Kumain ka na?" Tanong niya. Napaatras si Loraine sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Hindi pa..." Ginantihan niya si Tonio ng isang ngiti, isang ngiti natitiyak niyang hindi niya makakalimutan.

"Kung ganon, mag-breakfast ka muna... Pero mas masarap na breakfast..." Napatingin si Loraine sa gitna ng mga hita ni Tonio doon niya lang naintindihan ang ibig ipahiwatig ni Tonio.

Sinimulan siyang halikan ni Tonio na nag-bigay ng milyu-milyong boltahe sa katawan niya. Kakaiba ang dala ng mga haplos ni Tonio sakanya. Ito na nga ba ang misyon niya? Mahirap sabihin ngunit sa tingin niya ay nagugustuhan na niya si Tonio.

-----

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Natatawang sagot nina Emielyn at Caroline sa mangiyak-ngiyak na si Kim na nakaupo sa sahig. Matapos kasi nilang takutin si Kim na papatayin nila ito ay para itong tuta na nag-mamakaawa na wag siyang saktan. May mga sinabi pa ito tungkol sa kanyang Pamilya, tungkol sa mga pag-papaeskwela ng kapatid niya.

"We're even now!" Sagot ni Emielyn, akala siguro ni Kim na ilang araw na silang hindi kumakain at namatay na sila ngunit himalang tuwing nagigising sila, may pagkain na sa tabi nila. At may babae pang nag-bibigay ng kumot at unan sa kanila, siya pa nga ang nag-suhestiyong patayin si Kim ngunit hindi nila kayang gawin ang ganoong krimen. Ang gusto lamang nila ay paghigantian si Kim.

Napahagulgol na lamang si Kim sa mga pinag-gagawa nilang mag-pipinsan. Ngunit teka, hindi ba siya hinanap ng mga magulang nila? Ilang araw na ba silang nawawala?

"Let's get outa here Kim!" Pag-aanyaya ni Caroline sa kanya.

"Wait, hindi ba kayo nagtataka? Walang naghahanap sa atin. Ilang araw na ba tayong nawala?!" Sigaw ni Kim sa papalayong sina Caroline at Emielyn. "Who cares?! Let's get outta here. This place is creepy baka makasalubong na naman namin si Concepcion." Sagot ni Emielyn habang hinahawakan ang gintong kwintas niya, isa itong letrang EBD, na nangangahulugang Emielyn Bhey Dela Vega.

Muling tinignan ni Kim ang madumi at maalikabok na basement at sinamahan niya sina Emielyn at Caroline papalabas. Ngunit isa lang bumabagabag sa kanya, kung kinumbinse siyang patayin ng matandang babaeng si Concepcion , ibig sabihin may galit ito sa kanya at ang taong iyon ay buhay pa at kung hindi siya nagkakamali, narito ito sa bahay na tinitirhan niya.

-----

NAKATINGIN lamang si Rey sa kanyang laptop. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya magawang makakuha o mahuli ang pumatay sa Pamilya Lopez. Oo, alam niyang isa siya sa pinakasikat at pinakamagaling na Detective ngunit ba't hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makuhang kahit ano? May nag-tatago ba ng mga ebidensiya? Dalawa lang kasi ang naiisip niyang teorya.

Una, sa limang taong nakakalipas ay malamang at sa malamang ay nabulok na ang mga ebidensiyang hinahanap niya.

Pangalawa, nakakapagtakang pag-tapak nila rito ay malinis na malinis na ang mga gamit at ang bahay. Paano nangyari iyon? Sinadya ba ito upang itago ang mga ebidensiyang kailangan sa kasong Pamilya Lopez? Naiinis siya. Naiinis siyang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makuhang kahit na ano.

May kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Sir, kakain na raw po ng tanghalian." Muli niyang napagmasdan ang mala-inosenteng ngiti ng boy nila Letty. Sino nga ba itong si Hulio at napakainosente kung ngumiti.

Ginantihan niya ito ng ngiti at nag-salita, "Susunod na ako!"

Matapos niyang makita ang pagsara ng pinto ay isinara niya ang laptop niya. Walang dapat makaalam na narito siya para sa mahalagang misyon dahil tiyak magagalit ang asawa niya. Isinilid niya ang laptop sa ilalim ng unan niya at bumaba na sa Dining Area.

Nakita na niya ang mga kaanak doon na nag-uusap usap. Sana naman hindi na ito mag-away away tulad noong huling hapunan, bulong niya sa sarili at tinabihan niya ang asawang si Stella. Nginitian siya nito. Hindi niya mapigilang pagmasdan si Stella, kahit anong anggulo ay napakanda at napakakinis nito. Malayong-malayo sa hitsura niya noong napulot niya ito sa kagubatan noon.

Naalala niya ang pagtatagpo nila noon, sumisigaw pa si Stella na may gustong pumatay sa kanya at sa anak niya. Nakita niya ang hubog at ang kinis na balat ni Stella kaya napagpasiyahan niyang pwede itong pampalipas oras kahit medyo baliw ito. Ilang gabing pinasadahan ni Marion ang katawan ni Stella, hindi naman ito nagrereklamo at ni wala man lang maramdaman. Ilang araw ring ganoon ang lagay ni Stella ng may nag-presinatng psychiatrist na gamutin si Stella gamit ang hypnosis. Sa ganoong paraan, malilimutan lahat ni Stella ang lahat ng kanyang nalalaman at babalik lamang ito kapag nakabalik siya sa lugar kung saan siya natrauma.

Halos lahat ng mga kaanak ay nag-sasaya ngayon, hindi katulad ng nakaraang kainan na nagsisigawan sila. Nagkabati na ang magkabilang kampo kaya mas masarap ang kainan.

"Letty," Panimula ni Stella at binigyan siya nito ng masamang tingin. "Tatlo pala ang katulong niyo. Sina Hulio, Loraine at Concepcion?"

Biglang namutla ang mukha ni Letty, lahat ay nakatingin sa kanya. Nauutal niyang sinabi ang mga katagang, "Walang C-Concepcion sa bahay na ito."

=======×=======

DAPAT MAS MAAGA ANG RELEASE KAYA SORRY F0WZ. ^_^v PAKINGGAN NIYO PALA, “Breakeven by Samantha Jade”. Sobrang ganda!

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon