11. Chased

1.6K 51 2
                                    

Guys, may balak akong magsubmit ng manuscript sa Publishing Co. pero natatakot ako baka mareject. Hahaha anyways, yung Family Reunion yung isusubmit ko... Pero ieedit ko yun, siyempre andaming plot holes nun kaya i-eedit ko pa. Yun lang.

=======×=======

KABANATA XI – CHASED

NANG gabing iyon ay nag-hapunan ang mga Dela Vega. Tahimik ang lahat sa pagkain. Tila ang pagtakbo lamang ng orasan ang naririnig nila at ang mga nakakangilong tunog ng mga kutsara't tinidor.

"KIM!" Pagtawag ni Letty kay Kim na nasa Living Area lamang at nanonood ng TV kasama ang iba pang bata. Nakagawian na kasi ng mga batang kumain habang nasa harapan ng telebisyon at pinagbabawalan rin sila ni Letty na makisama sa Dining Area pagkat ang usapang matatanda ay para lamang sa mga matatanda.

Padabog na dumating si Kim sa tabi ni Letty, walang ekspresyon sa mukha nito. Napalunok naman si Letty. Siya ang ina at dapat niyang pagsabihan si Kim ngunit mas magkakaproblema sila kapag pinagalitan niya ito. Ayaw na ayaw kasi ni Kim na pinagagalitan siya. Ngunit siya ang ina, nasa tama siya, at anak lamang si Kim.

"Kim, hatdan mo nga ng pagkain si Hulio at Loraine. Nandun lamang sila sa maliit na bahay." Sagot nito. Kinakabahan pa rin siya kay Kim, baka ipahiya na naman siya nito sa harapan ng kaanak niya.

"Ang dilim kaya! At ang layo!" Sigaw ni Kim. Sa katunayan, hindi naman talaga malayo ang maliit na bahay nina Hulio at Loraine, sinabi lamang niya yun para ang kapatid niyang si Miko ang utusan.

"Kim, sige na." Malumanay na utos ng kanyang Papa Tonio niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Kim. Padabog niyang kinuha ang ulam at padabog na sinarhan ang pintuan.

-----

"EMIELYN..." Bulong ng Papa Rey niya sakanya habang nag-tytype siya. Naisip na kasi niya ang magiging istorya niya.

Nilingon niya ang Papa niya, may halong inis sa mukha niya, "What?"

Napangiti lamang ang Papa niya sakanya, "Wala na ang mommy Christina mo, umalis na siya."

Tinaasan niya ng kilay si Rey at nagsalita, "Then? The hell I care." At bumalik siya sa pag-tytype sa laptop niya.

Naramdaman naman niya ang pagbuntong hininga ng Papa niya at mas nilapitan pa siya nito sa kama. Naramdaman niya ang pag-amoy nito sa kanya. "Ano ba!" Sigaw niya at tumayo siya at lumabas ngunit bago pa siya makatayo ay naramdaman niya ang paghawak ni Rey sa kanyang pwet na nakapagpakilabot sa kanya.

Napangiti ang kanyang ama sa kanya na nagpakilabot ng kanyang katawan.

-----

PASADO alas nuwebe na ng gabi napagpasiyahan ni Kim na ihatid ang pagkain. Sa sobrang inis niya ay inilapag niya ang pagkain sa kusina at nanood na lamang ng telebisyon. Hindi na niya namalayang alas nuwebe na pala ng gabi at kailangan pa pala niyang ihatid ang pagkain nina Hulio at Loraine. Kung bakit pa kasi may katulong pa sila?!

Tinatahak niya ang basang talahiban na unmaabot sa tuhod niya. Mabuti na lamang at isinuot niya ang pantalon niya. Hawak hawak niya sa kanang kamay ang flashlight at sa kaliwa naman ang plato ng adobong manok na niluto ng mama niya. Isa pa itong nakakapagpabagabag sakanya. Ang inasta ng mama niya kanina sa hapunan. 'Kung makasigaw yung matandang iyon akala mo siya ang nagpapakain sa pamilya', bulong niya sa sarili habang sinipa niya ang maliit na bato.

Namalayan na lamang niya na nasa bahay na siya nina Hulio nang makita niya ang isang aso. Maputi at mabalahibo ito, kulay asul ang mga mata at kung tutuusin asong pangmayaman ito. Inilapag niya muna sa mesa ang pagkain at hinimas himas ang aso. Natutuwa siya sa maamong mata ng aso. Bigla niyang naalalang kailangan pa pala niyang hatdan ng pagkain si Hulio kaya napatayo siya at kinuha ang pagkain sa upuang nasa labas ng bahay.

"Mang Hulio?" Kinatok niya ang pintuan. Ngunit walang sumagot. Naisip niyang iwan na lamang ito sa labas ngunit baka kainin pa ng aso. Naisip rin niyang bumalik na lamang sa bahay nila at matulog ngunit baka sigawan na naman siya ng nakakabuwisit niyang ina.

Sa sobrang inip ni Kim ay gusto na niyang sirain ang pinto. Sa sobrang inis niya ay naisipa niya ang pinto at nabigla siya dahil bukas pala ito. Tinahak niya ang madilim at makipot na pasilyo ng bahay. Natitiyak niyang ito ang sala pagkat may dalawang maliit na upuan sa tapat ng napakalumang telebisyon. Sa tulong ng ilaw ng buwan ay may nakita siyang litrato ng isang batang lalaki sa isang napakalaking bahay na may kasamang yaya sa tabi nito. Natitiyak niyang si Mang Hulio ang lalaki sa larawan pagka't parehong pareho ang ngiti ng dalawa.

"Mang Hulio?" Bulong niya. Ang sabi kasi ng Papa niya na kapag walang katao tao ang bahay at pumasok ka, kailangan mong bumulong sa may-aro ng bahay dahil kapag gumawa ka ng ingay mapapagkamalan kang magnanakaw.

"Kelan ba natin isasagawa ang plano?" Narinig niya ang malalim at buong tinig ni Hulio. Dumiretso pa siya sa sala at nakita si Mang Hulio na may kausap na babae. Nakatalikod sa gawi niya ang isang matandang babaeng nakabestida, at nakaharap sa babaeng iyon si Mang Hulio. Malayo siya sa kanilang dalawa kaya hindi niya gaanong nasisilayan ang pag-galaw ng mga labi ni Hulio sa kausap.

"Mas mabuting kumitil na tayo ng buhay... Mas mainam na matapos mo ang trabaho mo!" Sagot ng babae kay Mang Hulio.

"Kahit na ano ay gagawin ko sa'yo, Concepcion." Tugon naman ni Hulio.

Nagulat si Kim sa mga narinig niya umatras siyang kinakabahan. Anong gagawin niya? Napaatras siya at hindi niya namalayang dumulas na pala ang ulam na hawak hawak niya kaya nabasa siya, "Shit!" Napasigaw siya, napatingin siya kina Mang Hulio at nakita niyang napansin na siya ni Mang Hulio, gumalaw ang babaeng kausap ni Mang Hulio kasabay ng pag-hakbang ni Mang Hulio. Papunta ang matanda sa kanya.

Agad niyang kinuha ang flashlight at tumakbo ng tumakbo, tila hindi na niya alam kung saan siya papunta ngunit ang gusto lamang niya ay tumakbo ng tumakbo, malayo kay Mang Hulio. Malayo sa mga mamamatay tao.

=======×=======

GOOO KIIIIIIIMMM!!! HAHAHA! TAKBO PA MORE!

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن