13. Harassed

1.7K 49 4
                                    

KABANATA XIII – HARASSED

NAKATINGIN lamang si Christina sa dinadaanan ng kanyang kotse habang hinihintay ang kulay na berdeng ilaw. Sandali niyang tinapik ang manibela ng kanyang sasakyan. Naiinip na siya. Malamang ay nalulungkot na ang kanyang asawa. Gusto na niyang balikan ang kanyang asawa na si Rey. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang umalis siya sa bahay bakasyunan nina Tonio at Letty ngunit pakiramdam niya'y ilang taong pangungilila na ang kanyang nararamdaman. Pangungulila sa kanyang asawang si Rey.

Bigla siyang natauhan nang tumunog ang radyo ng kanyang kotse. "Halos limang taon na rin ang nakalipas sa pagkawala ng Pamilya Lopez. Mahahanap pa kaya ang kanilang bangkay? O masasama na rin sa hukay ang sikretong kanilang binaon." Napantig ang tenga ni Christina sa narinig. Tama nga ba ang narinig niya? Sikreto? Tiningnan niya ang radyo niya at nakitang nasa istasyong 154.98 FM Radio. Hinintay pa niyang mag-salita ang DJ sa radyo ngunit napalitan na ito ng isang makabagong kanta. Posible kaya? May isa pa sakanya? Naipikit na lamang niya ang sariling mata.

-----

WALANG pumapasok sa utak ni Emielyn habang nakaharap lamang siya sa kanyang laptop. Walang kahit anong ideya ang sumasagi sa isip niya. Sa lalong madaling panahon ay hihingan na siya ng update ng Publishing House na pinagtatrabahuan niya. Kailangan na niyang makasulat ng kahit na isang kabanata man lang. Narinig na lamang niya ang pag-tunog ng kanyang telepono, tiningnan niya kung sino iyon at nakita niya ang pangalan ng pinsan niyang si Kim Dela Vega.

"Hello?" Tanong niya sa kabilang linya. Masyado kasi siyang maraming naririnig sa paligid. Nasaa'n na kaya ang pinsan niya? Nagtataka siya kung ba't marami siyang naririnig na ingay sa kabilang linya na napakatahimik naman ng bahay nila, ang bahay kung sa'n kasalukuyang ginaganap ang reunion ng Pamilyang Dela Vega.

"Emielyn!" Nabigla naman siya sa tinuran ng kanyang pinsan. Alam niyang boses iyon ng pinsan pagkat tandang tanda pa niya ang matutulis na tinig ni Kim noong tinakot nila ito ni Caroline, napangiti na lamang siya nang maalala ang pangyayaring iyon. Naalala kasi niya ang mga kalokohan nila. Natataranta ang boses nito na di niya mawari kung natutuwa ba ito o kinakabahan.

"Nasa'n ka ba?!" Sigaw niya sa pinsan niya upang matahimik ito sa kakataranta.

"Hindi ko alam basta parang nasa... Kuya, sa may kanto lang..." Narinig ni Emielyn ang hudyat na tumigil na ang rumaragasang sasakyan sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang si Emielyn. Nag-layas na naman ito. Ang huling beses kasing nag-layas ito ay humingi ito ng tulong sakanya dahil nag-sisisi na ito. Marahil ay nag-sisisi na naman ito at gusto ng bumalik sa Batangas.

"Kim! Nasa'n ka ba?!" Sigaw ni Emielyn sa kabilang linya. Naiinip na siya. Kapag isang di matinong sagot na naman ang isasagot ni Kim ay bababaan na niya ito.

 

"Nasa... Yata... Titira... Tina..." Hindi maintindihan ni Emielyn ang mga sinasabi ni Kim dahil paputol-putol ang linya. Habang nag-sasalita pa si Kim ay tuluyan na ngang namatay ang linya.

Tiningnan na lamang ni Emielyn ang sariling telepono at nakitang nakapatay na pala ang tawag. Muling nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang laptop, wala pa ring pumapasok sa kanyang isipan. Napagpasiyahan niyang kumain na lamang. Isinara niya ang sariling laptop at bumaba sa kama. Pumunta siya sa lumang seradura palabas ng kanyang kwarto. Iikutin na sana niya ito nang bumukas ang pintuan.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Where stories live. Discover now