CHAPTER 11: Baby Gender

2.7K 145 80
                                    

"Ano ba, Se- hihihi! Sehun! Nakikiliti ak- hihihi! Estep ples!" Malanding sabi ng kabit.

"Gusto mo pa ha? Ayan oh! Akin ka!" Malanding sabi rin ng inaasawa niya.

Naglalakad kasi ngayon sa hallway ng ospital ang kupal na asawa ni Luhan atsaka ang ulupong na kabit nitong si Tao. May check-up daw kasi ulit. Pero parang hindi naman.

Nang mapagod silang dalawa, na-upo muna sila sa may waiting area. Baka daw mapagod si Tao dahil buntis ito.

"Baby Hun." Tawag nito kay Sehun.

"Yes, Baby Zi?" Sabay tingin sa kalandian.

Naks, ginawa pang Zagu ang kabit.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang hiwalayan 'yang amazonang asawa mo? Para maging pamilya na tayo kapag lumabas si baby." Sabi ni Tao.

Humingang malalim ang malanding si Sehun atsaka hinaplos ang mukha ng kabit niya.

"I can't, Baby." Sagot nito.

Napasimangot naman ng mukha ang kabit.

"Hindi ka niya kayang bigyan ng anak, Sehun. Pero ako ito, on the way na oh!"

"Hindi naman yun, Baby Zi eh."

"Pero bakit? Akala ko ba, ako ang mahal mo?" Sabay hawak naman ng kabit sa kamay ni Sehun.

"Oo, mahal kita. Pero kapag nandiyan si Luhan, nararamdaman kong kahit konti, may nararamdaman pa rin ako sa kanya."

"Alam ko naman 'yon eh." Napabuntong hininga rin si Tao. "Pero alam kong mas lamang ako diba? Alam ko namang lahat ng pinapakita ko sa kanya, peke lang. Hindi yun totoo. Kasi ako yung mahal mo." Sabay ngiti nito.

Tao kissed Sehun's cheek. Napangiti rin naman si Sehun na parang may pag-aalinlangan.

"I love you, Baby Hun."

Napatingin naman si Sehun sa kanya.

"I love you too..."

'Luhan...

'Sorry.'

***

"HOY PUTANGINA! SAAN KA NA NAMAN GALING?!"

"Babe, kalma ka lang." Lumapit naman si Sehun sa asawa na ngayon ay may hawak na walis tambo.

Kinuha ito ni Sehun at inupo ang asawa niya. Aba mahirap na, baka mapatay na siya ng asawa niya kapag hindi niya pinakalma.

"Nagpacheck-"

"GAGO!" Sabay batok ni Luhan sa asawa.

"Ano 'to? Araw-araw check-up? Masyadong concern at alaga ang baby ah. Ang sweet mo naman." Sabay tayo nito para pumunta sa sala.

"Luhan naman." Sunod nito sa usa.

"Sino bang baby 'yang alagang-alaga? Yung anak mo o yung impaktang kabit na akala mo dinedeliryo ang mukha?"

"Babe nama- OH! Babe, pati ba naman magazine ibabato mo sa'kin?"

"Oo, mamaya nga pati refrigerator ihahagis ko na sayo eh. Sinasabi ko sayo Oh Sehun, kung gutom ka, mag-init ka ng ulam. Hindi yung katawan mo paiinitin mo."

"Ikaw naman kasi eh, minsan sa sobrang ganda ng asawa ko hindi ko- OH! OH! BABE IBABA MO 'YANG FLOWER VASE! JO-JOKE LANG. HEHE." Atsaka niya kinuha sa asawa ang vase at inilapag ulit sa lamesa.

"Gago mo." Sabay irap sa malanding Yehet.

"Akala mo naman ako lang pinagnanasaan mo. Kita mo nga, nakabuntis kang kurimaw ka."

"Babe naman, ang dami ko nang nickname sayo ah."

"Oh bakit? Hindi ba't totoo naman? Ulupong! Malandi! Gago! Puta! Laging gutom sa siping! Kurimaw! Hayup! Pakiramdam ko mula noong pinanganak ka dito sa mundo, nakalista na pangalan mo sa diary ni Satanas."

Sehun backhugged his wife. Kahit nagpupumiglas ang usa, siyempre tulad ng dati, kilig pempem.

"It's a boy." Bulong ni Sehun sa asawa.

"Anong boy? Lalaki ka na?" Biro naman ni usa.

"Luhan naman eh!"

Hinalikan niya ang noo ni Luhan.

"Lalaki ang anak namin ni Tao."

Napakunot naman ng noo si Luhan. SIya ang nilalandi naman sasabihin ang pangalan ng punyetang kabit niya?

"Oh tapos? Ikakakalma ba 'yan ng alaga mong laging uhaw sa butas?"

"Luhan..."

"Oh?"

"Gusto ko naman ng babae." Habang inaamoy ang buhok ng asawa.

"Edi pagkapanganak ni Tao, sabihin mo sa kanya."

"Hindi! I mean... Gusto ko sa'tin naman gawa."

Hinampas naman siya ni Luhan ng unan. Hassle talaga kapag may malandi kang asawa.

"Kita mong ayaw nga eh! Sinasampal mo ba talaga sa akin na hindi ako pwedeng magka-anak?!"

"Babe naman. Malay mo naman diba?"

"Hindi ka pa nakuntento sa isa! Humanap ka sa kabilang barangay tutal maraming naka-panty at bra doon tuwing madaling araw." Sabay tayo nito at naglakad papuntang kusina

"Punta na akong kwarto ah! Bilisan mo diyan, mag-aabang ako." Atsaka umakyat ang Yehet sa itaas.

Napatigil naman ang usa sa paglalakad at napatingin sa direksyon ng asawa niya.

'Maka-inom na nga lang ng tubig. Si Sehun na lang kakainin ko.'

Two Wives (Ang Legal at Kabit ni Oh Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon