CHAPTER 1: Ang Legal at Kabit

5.5K 191 46
                                    

Isang nakaka-putanginang araw na naman ang pumasok sa buhay ng dyosang si Luhan the Legal Wife. Ang toon lang naman talaga niya sa mall ay bumili ng baygon dahil marami ng lamok sa bahay nila. Hindi niya inakalang makikita niya ang pinaka-punyetang baklita sa balat ng kabaklaan, ang kabit ng asawa niya, si Tao.

“Ang galing naman. Bumili lang ako ng baygon, may daga agad na sumulpot. Effective pala talaga ‘to no?” Parinig ng legal wife matapos silang magtabi sa counter ng supermarket.

“Aba’t pinariringgan mo ba ako?!” Sagot naman ng tangang kabit.

“Wait, natamaan ka ba? Gosh ano ka ba? Hindi ka naman daga eh. Baka nakakalimutan mong ahas ka?” Asar ni Luhan dito.

Halata sa mukha ng ating munting kabit ang inis pero baliw yata ito’t biglang tumawa.

“Ahas man din sa iyong paningin, binabalik-balikan pa rin.” Sabay flip ng hair nito.

“Pwe! Baho ng garapata mo. Anong lintik na shampoo mo at mapasara na ang kumpanya?” Reklamo ng ating magandang legal wife.

“Alam mo ikaw ang reklamador mo! Leche, aamoy ka na nga lang diyan!”

“Hoy! Atleast ako reklamador at mapili. Eh ikaw? Kahit ang pinakapanget na lalake sa mundo eh kapag pumasok sa bahay mo susunggaban mo.”

“Aba puta-“

Natigil ang malutong na pagmumura ni Tao ng biglang umusod ang counter, si Luhan na ang magbabayad. Pero patawarin ho ninyo sila, dahil nothing changed.

“Ngina mo.” Tuloy ni Tao. Matinde.

“Mukha kang eyebags.” Tukso ni Luhan.

“Mukha kang Anabelle.” Sagot ni Tao.

“Atleast manika.”

“Mukha kang puta.”

“Atleast mukha lang. Ikaw, puta na talaga.”

“Panget!”

“Kabet!”

“Walang matres!”

“Walang boobs!”

“Tinatalikuran ng asawa!”

“Nakikigamit ng asawa!”

“Pakyu!”

“Mas pakyu!”

“Ah Sir et-“

“Amin na nga yung baygon ko at mabuksan ka. May pupuksakin lang akong ulupong dito!”

“Magandang ulupong.” Sabay flip ulit ng hair.

“Isang flip mo pa ng buhok mong may garapata  iuuntog na talaga kita dito sa computer.”

“Inggit ka lang kasi. Excited na ako mamayang gabi. May midnight snack ako.” Sabay tawa nito ng malandi.

“Oh talaga?” Pang-asar na sagot ni Luhan.

Tumango naman ang kabit, naks naman proud.

“Oo may midnight snack ka nga. Itong baygon sasaksak ko sa esopaghus mo. Huwag kang mag-alala, sasamahan ko din ng daga para di ka maumay.” Sabay tabig nito sa kabit ng kanyang malanding asawa.

“SABIHIN MO SA ASAWA MO MAHAL KO SIYA, SEE YOU KAMO.”

“MAGKITA KAYO SA IMPYERNO, ULUPONG KA!” Sabay hagis ni Luhan kay Tao ng pringles na nadaanan niya.

Oh jusko, patawarin ang kaluluwa mo Sehun.

Two Wives (Ang Legal at Kabit ni Oh Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon