CHAPTER 5: Do You Still Love Me?

3.3K 169 42
                                    

“Babe.”

Nasira ang masayang pagtulog ng legal wife na si Luhan nang bigla siyang makaramdam ng halik sa pisngi at noo niya.

“Hmm.” Pag-iinat nito.

“Babe, gising na.” Habang hinahalikan pa rin nito ang asawa.

“Putangina.” Bwisit na sabi ni Luhan sa asawa.

“Ano ba ‘yan, ang aga-aga mura agad matatanggap ko. Wala bang good morning at I love you?” Sabay pout ng haliparot na si Sehun sa asawa.

“Huwag kang leche. Sinisira mo agad araw ko.” Umayos siya para maka-upo at naghikab.

“Babe.”

“Sabi nang huwag mo akong ibabe-ibabe diyan eh!” Sabay hampas sa asawa ng unan.

“Lu-“ Magsasalita na dapat ang under na under na asawa ni Luhan pero pinagpapalo siya nito ng sunod-sunod.

“Pakyu bakit ka nga pala nandito?! Sabi ko dun ka lang sa labas ah?! Layas! Shoo!”

“Eh hindi-aray! Kita matiis ka- aray ko, Lu! Kaya ako pumunta dito. Ah! Tama na!”

Tumigil naman si Luhan sa pagpalo kay Sehun pero hindi dahil sa naaawa siya, kung hindi napapagod na siya. Sakit kaya sa kamay non. Duh?

“Diyan ka na nga! Magluluto pa akong almusal. Bwisit!” Atsaka ito tumayo para pumunta sa kusina.

Pero nagulat siya nang may nakita siyang nakahanda na almusal sa lamesa nila.

‘Almusal pa ba ‘to? Parang fiesta ah.’ Sabi ni usa sa sarili.

“Do you like it?” Narinig niya na lang ang asawa niya sa may bandang likod niya na nagsalita. Tumingin siya rito na parang nagtataka. Pang-ilang drama niyo na ba ‘to?

“I did this. Gusto kong bumawi, Luhan. Hayaan mo na lang ako, please?” Atsaka ito lumapit sa asawa sabay yakap.

“Lul mo. As if ikaw ang nagluto nito. Edi sana sunog na ‘tong bahay.” Pagbibiro ni Luhan.

Pero deep inside sa kaibuturan ng kalooban ng ating legal wife ay putngina kinikilig siya. Duh? Effort kaya ang malanding asawa niya. Luto man niya ‘yon o hindi, sweet pa rin. Isa pa, talagang gwapo ang asawa niya. Tngina, kilig pempem.

Hinarap naman siya ni Sehun tsaka ngumiti.

‘Tngina ‘yan. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Tngina. Tngina. Tngina. Tngina ka Luhan huwag kang malandi.’ Usap nito sa sarili niya.

Two Wives (Ang Legal at Kabit ni Oh Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon