CHAPTER 20: Anyare?

2.7K 153 72
                                    

Kasalukuyang nasa kama nila si Luhan habang nagbabasa ng libro. Kunyari raw kasi nerd siya.

"Babe?" Malanding sabi ni Sehun sa asawa at tinabihan ito sa kama.

"Ano?" Cold na sagot nito at nakatuon pa rin ang pansin sa binabasang libro.

"Ano ba 'yang binabasa mo at parang masyadong nanakaw 'yang atensyon mo?" Maarteng sabi ni yehet atsaka nag-pout.

"Dorothy Must Die yung original. Sinulatan ko ng bagong title kasi parang mas bagay yung pangalan ng kabit mo dun eh."

Napatingin naman si Sehun sa cover ng libro at putangina tinakpan ni Luhan ang pangalang"Dorothy" at pinalitan ng "Zi Tao."

Napalunok naman ng laway si Sehun at kinuha ang libro sa asawa.

"HOY POTA IBALIK MO MASAYA NA YUNG SCENE EH! PAPATAYIN NA SI ZI TAO!" Pilit na inaabot ni Luhan ang libro pero di niya talaga ma-reach sa haba ng bias ng asawa niya.

Inilagay ni Sehun ang libro sa side table at niyakap si Luhan at tuluyan silang napahiga.

"Dahan-dahan naman aba! Baka nakakalimutan mong buntis ako?!"

"I love it when you say that." Ani Sehun habang nakatitig sa asawa niya.

"Ano?!"

"Kapag sinasabi mong buntis ka. It feels so great."

Hinawakan naman ni Sehun ang tiyan ni Luhan at hinimas-himas ito.

"Hi, baby. Ako ang gwapong-gwapong Appa mo. Magpaka-healthy ka diyan bago ka lumabas ha?" Sabi pa nito atsaka ito hinalikan.

"Ang isip bata mo." Sabay sabunot ng mahina ni Luhan sa asawa.

"Teka, hindi pa ako tapos nitong baby natin."

Inikot-ikot naman ni Sehun ang daliri niya sa tiyan ni Luhan na kinangiti naman ng usa.

"Masyado bang malungkot mag-isa diyan, baby? Di bale, gagawan ka naming ng kakambal."

"HOY, OH SEHUN! TIGIL-TIGLAN MO 'KO SA KAMBAL-KAMBAL NA 'YAN AH! KITA MO SI KYUNGSOO, DALAWANG KAMBAL YUNG ANAK LUWA NA YUNG MATA!"

Natawa naman si Sehun sa asawa at hinaplos-haplos ang buhok nito.

"Babe, matagal nang luwa ang mata non. At kahit lumuwa pa 'yang mata mo o kahit anong itsura mo, ikaw pa rin ang asawa ko." Then he kissed Luhan's lips for seconds.

"Luhan babe."

"Hmm?"

"Fresh ako ngayon."

"Hihihi. Eke ren eh."

At nangyari na nga ang di inaasahang bagyo sa kama nila.


***


Nagising si Luhan nang maramdaman niyang walang tao sa tabi niya. Doon niya nadatnan ang asawa niyang bihis na bihis at inaayos na lang ang medyas niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Luhan dito.

Nanlaki naman ang mata ni Sehun nang makitang gising na ang asawa niya.

"Ah... Babe! Gising ka na pala? May almusal na sa baba. Pinagluto kita." Sabi nito habang nakangiti.

"Saan ka pupunta?"

"Ah... Ano kasi... May appointment, oo tama! May appointment kami ngayon sa kliyente ng kumpanya eh."

"Eh diba Linggo ngayon? Day off mo ah?"

Two Wives (Ang Legal at Kabit ni Oh Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon