CHAPTER 3: Buntis siya

4.1K 190 44
                                    

"Bakit kasi hindi mo na lang ipa-murder?" Matinong suggestion ng kaibigan ng legal wife, si Kyungsoo.


"O kaya kidnapin mo sabay tapon sa ilog? Whatcha think?" Sabat naman ng isa pang kaibigan niya, si Baekhyun.


"He! Tigilan niyo ko. Kung hindi lang kasalanang pumatay dati pa yun nakahimlay. Wala tayong magagawa, Put God first." Sagot naman ni Luhan sabay kain ng cheesecake.


Nasa bahay kasi sila ni Kyungsoo dahil wala lang trip lang nila. Best friends forever ang peg ng mga vaklush.


"Nagpapaka-anghel ka pa. Sarap mong batukan. Asawa na ang usapan, Lu." Sabi naman ni DO habang iniinom ang juice niya.


"Sus." Humingang malalim ang dyosang legal wife bago magsalita ulit.


"Samantala kasi kayo, matino ang asawa. Kahit si Kai eh halos lahat ng babae sa campus nung high school eh syinota dati, nagbago nung naging kayo, Kyung. Si Chanyeol kahit laging busy noon hanggang ngayon, hindi nawawalan ng oras sayo, Baek. Eh yung asawa ko? Pakitaan mo lang ng tuhod maglalaway na."


"HIWALAYAN MO NA KASI!" Sabay sigaw ng dalawa niyang best friend.


"SAKIT NIYO SA TENGA!" Sigaw ni Luhan.


Humingang malalim an gating dyosang legal wife at uminom ng juice.


"Lu, napaka-martyr mo." Kalmadong sabi ni Baek.


"Masyado mong mahal yung asawa mo." Umiling-iling na lang si Kyungsoo sa kaibigan.


"Tanga! Kaya ko nga pinakasalan kasi mahal ko."


"Kahit na. Eh kung may kerida naman, wala rin." Pagpapaliwanag ni Kyungsoo.


"Manahimik na nga lang kayo. Punyeta. Kapag ako nabwisit gagawin ko ang lahat para yung mga asawa niyo magkaroon din ng kabit." Sabi ni Luhan habang tinututukan ng tinidor ang dalawa niyang kaibigan. Mahilig sa tutukan ang legal wife, wala tayong magagawa.


"Lul. Loyal kaya ang Chanyeol ko sa'kin. Hindi naman kami makaka-dalawa in 3 years kung hindi no!" Malanding sabi ni Baekhyun sa mga kaibigan niya.


"Kami rin ng Kai ko. 6 years, dalawang kambal agad." Pagmamalaki ni Kyungsoo.


'Putangina. Ipagmalaki niyo.' Sabi ni Luhan sa isip niya.


"Sige..." Bulong ni Luhan.


"MAGBUNTISAN TAYONG LAHAT! PUNYETA!" Pasunod na sigaw nito.


Paalala, wag pikunin ang dyosang legal wife. Nakaka-puta.



Two Wives (Ang Legal at Kabit ni Oh Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon