CHAPTER 4: Still The Same

3.4K 168 56
                                    

Isang lumilipad na kaldero ang tumama sa ulo ng malanding si Sehun pag-uwi niya sa bahay. Hindi lang pala ito isa, may kasama pang sandok, at kutsara. Pasalamat na lang siya at walang kutsilyong nakalabas sa may kusina nila. Bagamat alam na niya kung bakit, nagpapaka-inosente pa rin ito. Napakagaling mo talagang asawa.

“LU- AH! ARAY! TAMA NA! MASAKIT!” Pagmamakaawa nito.

“ULUL! PAKYU! AKO BA NUNG SINABI KO’T TAMA NA AT MASAKIT NA TUMIGIL KA?!” Sabay bato ulit nito ng sandok.

“Ka-Kailan ba? Nung nangaliwa ako o nung nagsese-“ Ngunit naramdaman niya na lang na ang rice cooker na nasa lababo kanina ay nasa harap na niya.

“AHH!” Tsaka ito napa-upo habang hawak-hawak ang ulo niya.

“LINTIK KA TALAGA, OH SEHUN! HINDI KA NA NADALA!” Atsaka ito tumigil at aakyat na sana sa itaas ng bigla siyang hawakan ni Sehun sa kamay. Aba, tume-telenovela kayo ah.

“Luhan…” Pagmamakaawang tono nito.

Tumingin si Luhan ng masama sa kanya sabay alis ng kamay nito sa braso niya. Hays, ang drama nila. Pagpasensyahan niyo po.

“Bwisit ka, Sehun. Hindi ka na nadala. Lagi ka nalang naghahanap ng ibang putahe. Kaya ayan sige! Putangina ka.” Bulyaw nito.

“Bab-“

“Babe? Babe?! Wow! Kinilig ako. Tigilan mo ‘ko sa mga babe babe na ‘yan at baka sa sobrang bwisit ko eh pati sa baboy ipatira kita.”

“Ba- Luhan…”

“Ano?! Puro ka tawag ng pangalan ko! Gumawa ka naman ng sarili mong linya. Napakatanga mo!”

“Luhan, sorry.”

“Sige, mag-sorry ka lang. Magandang pakinggan ‘yan ng pang-isang daang beses mula nung nagka-kabit ka. Nakaka-LSS na nga eh.” Sarkastikong sabi ng legal wife.

“Luhan, hindi ko naman alam na magbubunga. Ang alam ko guma-“ Pero nakatanggap siya ng pingot mula sa asawa.

“AAAAAH! ARAY! LUHAN! TAMA NA PLEASE!” Kawawa naman ang tenga ng malanding asawa. Laging tina-target.

“SAKSAKAN MO NG BOBO, OH PUTANGINA SEHUN!”

Hinimas-himas ni Sehun ang kantang namumulang tenga habang si Luhan naman ay nakatitig lang sa kanya.

“Huwag mong idahilang hindi mo sinasadya. Dahil kung hindi yun sadya, hindi mangyayari, hindi yun magagawa.” Paliwanag nito.

“Luhan, please. Huwag mo ‘kong iwan. Mahal kita, maniwala ka. Nadala lang ako pero ikaw ang mahal ko. Magtiwala ka naman sa’kin oh.”

“Tiwala?” Napangisi ito. “Ilang tiwala pa, Sehun. Ilan pa para tuluyan mo na ‘kong mapasuko?! Leche ka. Hindi ka nag-iisip. Bata ka pa rin hanggang ngayon.”

Humingang malalim si Sehun at nagsalita.

“Sige. Kakausapin ko si Tao. Ipapalaglag ko yung bata.” At agad niya namang naramdaman ang kamay ni Luhan sa kanang pisngi niya.

“BOBO!” Sigaw nito.

“”Eh ano bang gusto mong gawin ko para patawarin mo ‘ko? Para bumalik tayo sa dati?” Tanong ng asawa niya.

“Hindi ko alam, Sehun.” Sagot nito.

“Ikaw ang gumulo at nagbago ng relasyon na ‘to diba? Hindi sige. Kunyari may nagawa ako para fair tayo. Nakakahiya naman kasi at baka magtampo ka pa kung sosolohin mo lang yung kasalanan na ‘yon.” Atsaka ito humakbang sa hagdan ngunit lumingon ulit ito.

“Sehun.” Tawgan ito sa asawa.

Napatingin naman si Sehun sa asawa.

‘Ang ganda-ganda pa rin pala talaga niya.’ Ani nito sa sarili.

“Huwag na huwag kang magkakamaling ipalaglag ang bata. Tao pa rin yun kahit anong mangyari. Tatay ka non at hindi na magbabago yun. Palakihin niyong dalawa kahit hindi kayo legal. Take that chance. Baka yun na lang ang tanging paraan para may tumawag sayo ng ‘Daddy’ o ‘Papa’." Atsaka ito nagpatuloy na umakyat.

Sehun kept on staring at Luhan kahit nakatalikod ito. Kahit talaga amazona ang asawa niya, alam niya pa rin ang tama at mali.

“Luhan.” Tawag nito dito.

“Oh?” Habang nakatalikod pa rin.

“I love you.”

Luhan faced him and nodded. And then he entered their room.

Huminga ng malalim si Sehun at umupo sa staircase.

‘He is the same Luhan na niligawan, pinakasalan ko at sobrang minahal ko. Napakatanga ko para pagtaksilan siya.’

Tumayo siya at aakyat na sana ng biglang may lumipad na sapatos sa kanya.

"ARAY!" Sigaw niya. Kawawang-kawawa ka naman. Naka-ilang tama ka na ngayong araw?

"SUBUKAN MONG UMAKYAT DITO AT PATI 'TONG KAMA KAHIT MABIGAT BUBUHATIN KO MAHAGIS LANG SAYONG HALIPAROT KA. DIYAN KA. DI TAYO BATE. PAKAMATAY KA NA DIYAN. GE." Tsaka isinarado ng pagkalakas-lakas ang pinto.

Two Wives (Ang Legal at Kabit ni Oh Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon