PROLOGUE

1.1K 54 15
                                    

✅VCAD SERIES #1: Love A Lifetime (completed)

✅VCAD SERIES #2: Forced Marriage (completed)

✅VCAD SERIES #3: To Get Her

DISCLAIMER: This story is consist of grammatical and typographical errors. Some words are redundant.

I do not own the photo used for the book cover.

This is a work of fiction, Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

PROLOGUE


"Will you marry me?" Umaasang tanong ko kay Tim na boyfriend ko ng halos ilang taon. Ayaw ko siyang pakawalan kasi siya lang iyong nakakaintindi sa akin at na sakanya lahat ng gusto ko. Siya rin  ang naging bestfriend ko at kuya noon.

Nagulat si Tim nang bigla akong lumuhod sa harapan niya. Tila hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Sabi-sabi na mas maganda at tama kung lalaki ang mag-propose pero gusto ko tong gawin. Nasa paborito namin kaming tambayan ngayong gabi, sa parke na dati naming palaruan simula nong bata pa kami. Walang katao-tao at tanging kami lang.

"B-Blythe, a-anong ginagawa mo?" Gulat na tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo at nahihiyang magtanong muli. "Marry me?"

Pero imbes na magsalita siya ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na pinapatayo.

Nang makatayo na ako ay tiningnan ko siya sa mga mata niya. I saw sadness and guilt, I gulped.

"Blythe..." Kinuha niya mula sa aking kamay ang singsing at tiningnan iyon ng matagal. "Why do you want to marry me?" Tanong niya dahilan para naumid ang dila ko.

Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang braso niya, matagal siyang napatingin doon bago ako tiningnan.

"K-Kasi ikaw iyong taong laging nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kausap, sinusuportahan mo ako sa lahat at higit sa lahat ay nirerespeto mo ako kahit anong gawin ko." Nagpatuloy parin ako sa pagsasalita kahit na napatingin siya sa malayo. "Simula noong bata tayo ay gusto kita. Alam ko gawain ito ng mga lalaki pero gusto kong magpakasal. Malapit na rin akong mag-30 years old. 26 ko na kami ng mga kaibigan ko. Naiinggit narin ako sa kanila kasi may nag-aalaga sakanila at nagmamahal sa kanila. Gusto ko rin ng katulad noo..."

I was talking when he cut me off. "Nababaliw ka na ba?! Hindi kami parehas ng mga lalaki na iyan, Blythe. Magkaiba ang mga lalaki ng pag-uugali at hangarin sa buhay pero hindi ganito ang gusto ko, Blythe..." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. "Simula palang bata tayo parang nakakabatang kapatid na ang turing ko sa'yo!" He exclaimed desperately.

Naluha ako sa sinabi niya. "Kung totoo ang sinabi mo na turing mo lang akong parang kapatid eh bakit kita boyfriend ngayon?"

"Natandaan mo nong high school tayo?"

Tanong niya sa akin bago humarap sa malaking puno kung saan nakaukit ang pangalan namin.

Tumango na lamang ako kahit nanlalabo parin ang aking mata. Pakiramdam ko may nakabara sa aking lalamunan, pati pagsasalita ay ayaw na.

"Nong may umaaligid sa akin na gusto ako, umiyak ka noon kasi nagselos ka. Hindi ko alam na may nararamdaman ka sa akin hanggang sa isang araw... Nakita kitang masama ang tingin sa amin ng may gusto sa akin. Doon ako nagkahinala pero pilit ko iyong binabalewala kasi alam ko impossible iyon."

To Get Her (On-going)On viuen les histories. Descobreix ara