06

304 31 0
                                    

CHAPTER SIX

"Bakit ka nakatulala diyan?" Napabaling ang tingin ko kay ate at sinenyasan akong maupo, nasa kanang bahagi ng mesa sina papa, mama, at Carson habang nasa kaliwang bahagi sina ate Arianne, kuya Cali at ang anak nilang si Chloe. Bale tig-tatlo ang upuan sa sides ng table kaya doon nalang ako naupo sa harap ni Vin. Bale nasa gilid ko si papa at nasa isang gilid ko si ate Arianne.

"Pasensya na at nauna kaming kumain, ang tagal niyo kasing bumaba. Heto kumain ka na, anak." Sabi ni mama at pinagsandok pa ako ng kanin kahit marami iyon. Magrereklamo na sana ako kaso napatingin si Vin sa akin at naalala ko ang sinabi niya, no need to diet. Sunod naman ay binigyan ako ng ulam ni papa, tubig naman ang kay ate at irap na nanggaling sa bunso namin.

Natawa nalang ako kasi kawawa naman ang bunso kaya lumapit ako sa kinauupuan niya, ramdam kong nakasunod ang tingin ni Vin sa akin ngunit ipinasawalang bahala ko nalang.

Kinuha ko ang kutsara at nilagyan iyon ng kanin saka ulam at ipinakain kay Carson saka bumalik sa aking kinakaupuan at tahimik na kumain, hanggang sa nagsimulang magsalita si mama.

"Aba'y kain ka pa nang kain hijo at huwag kang mahiya."

"Opo." Sabi ni Vin.

Ngumiti si mama na tila aliw na aliw sakanya saka ako makahulugang sinulyapan bago ibinalik ang tingin kay Vin. "May nobya ka na ba, hijo?"

"Ma!" Suway ko sa tanong niya pero ni hindi man lang niya ako nilingon.

Napaangat ng tingin sa akin si Vin, kinuha ang baso at saka ininom iyon ng dahan-dahan. Bumaba ang tingin ko sa tumaas-baba niyang Adam's apple at napalunok habang nakatitig sa akin.

Ramdam ko nalang na dumikit ang paa ni ate sa paa ko kaya sakanya ako tumingin. Sinenyasan niya akong kumain kaya sumubo ako.

"Opo tita."

"Si Blythe ba yan?" Tanong bigla ni papa kaya naibulunan ako, agad namang inabot sa akin ni ate ang baso sa tubig.

"Tita okay ka lang po ba?" Inosenteng tanong sa akin ni Chloe kaya napatango-tango ako.

"Opo tito." Sabi naman niya na nakangiti bago ibinaling ang tingin sa akin na dahilan para muntik kong maibuga ang ini-inom ko. Si Carson naman ay pinipigilang matawa pero ang ngiti ay abot hanggang teynga. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit tumawa lang ang loko.

"Kailangan pa namin pilitin ang anak namin na ito para man lang sabihin niya sa amin kung sino ang boypren niyang sinasabi niya doon sa interview. Hijo, hindi naman ako hadlang sa relasyon niyo..."

Napayuko ako at hindi alam ang sasabihin dahil hindi niya alam ang totoong namamagitan sa amin ni Vin, tanging si nanay lang nakaka-alam pero pinangako niyang hindi muna sasabihin kay papa.

"Si Blythe ang pinaka may galit sa kanilang kapatid..." Sabi pa ni papa habang tumatawa. "Kaya hindi kita masisi kung mapapagod ka sakanya pero sana hindi ganoon iyon, gaya nang lagi kung sinasabi kay Cali na kapag sinaktan mo ang anak ko ay itak ang hahabol mismo sa'yo. Tsaka pagtyagaan mo iyan kahit pa kakahiwalay nila nong Tim na iyon ay alam kong hindi papatol ng basta-basta ang anak kong 'to."

Sinulyapan ko si Vin at napalunok siya, si Cali naman ay tumawa ng mahina dahil siguro naalala niya iyong itak na ihinahabol sakanya ni papa noon.

"Mahal ko po ang anak niyo tito, tita. Kapag nakikita ko siyang nasasaktan, nasasaktan rin po ako." Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata ni Vin, pakiramdam ko'y huminto ang mundo ko. "Naiintindihan ko rin po na nag-aalala kayo kay Blythe, pangako po na hindi ko siya iiwan."

Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin. Alam kong hindi totoo ang pinagsasabi niya pero kinabahan parin ako, sinulyapan ko si mama na binabasa ang reaksyon ko. Napalunok ako at alam kong nakita niya iyon.

To Get Her (On-going)Where stories live. Discover now