03

369 39 0
                                    

CHAPTER THREE

"Anak, kumusta ka na? Okay ka lang? Gusto mong pumunta kami diyan?" Sunod-sunod na tanong ng nanay ko nang makapag-video call kaming Romualdez family through messenger.

Tumango ako. "Okay lang po mama at papa." I assured them even though I just visited Tim's instagram and she's with the girl that she talked years ago. "Saka huwag na kayong pumunta rito baka maabala ko lang kayo." Ngumiti ako sakanila.

"Sure ka 'te?" Tanong ni ate Arianne.

"Oo naman. I just need a time to move on from him." I winked at them that made them laughed.

"Ate ba't parang hindi ka okay?" Napasimangot ako nang magtanong na naman ang bunso naming si Carson na makulit pero guwapo syempre. Nasa genes naman namin iyon kaya kagaya ko ay maraming nanliligaw kay ate Arianne, may umaaligid din kay Carson.

"Kulit niyo na." Napakamot ako sa noo.

"Kung makikita ko talaga iyang lalaking iyan susuntukin ko, how dare him? He rejected your proposal! Tsk, Sa kagandahan mong iyan?" Umirap si Carson sa hangin. Kami namang nakikinig sakanya ay natahimik saglit saka tumawa-tawa kay Carson na nakakunot ang noo. "Bakit? Totoo naman ah!"

We stopped laughing. My mama, papa and my sister hugged bunso. "Huwag ka nang magtampo. Lalaki ka at hindi ka babae anak, ikaw nalang ang lalaki sa anak ko kaya ikaw magdadala ng apelyido natin." Seryosong sabi ng tatay namin kaya napangiti ako.

Ngunit nagulat kami sa susunod na ginawa ni Carson, tumawa kami nang magsalita si Carson pero hindi na panglalaking boses kundi iyong ginagamit ng mga bakla na tone at saka nagra-rampa.

Kalokang bunso!

Binatukan siya ni papa.

"Sakit niyon ah!" Nakangusong sabi ni Carson habang hinihilot ang nasaktang noo.

"Ayan kasi huwag ka nga pabakla-bakla diyan iyan tuloy napala mo!"

"Pero seryoso. Pupunta kami sa concert mo anak. Luluwas kami diyan sa Maynila bukas na bukas din." Sabi naman ni mama.

She laughed softly. "I'm happy. Thanks for supporting me mama, papa, ate, at bunso. You are my always number one supporters and fans! Lahat kayo ay pantay."

I remembered when my family supported my decision to be a singer. Even though they want me to take care of our coffee shop businesses. Marami narin kasing branches iyon. Sa Baguio, sa Benguet, dito sa Manila, sa Batangas, Quezon, Palawan, Pangasinan, at Laguna. Bale 7 branches and our sister Arianne took care of it. Carson is still in fourth year college, taking a Civil Engineering course but he's also a working student in our shop. While I took a course related to music.

My family supported us about it. Up until now, I am famous and therefore happy.

Nang una palang akong sumali sa pag-au-auditon ay hindi ako tanggap ng judges, hanggang sa natalo ako ng anim na beses, balak kong sumuko dahil mahirap umasa at naaawa ako sa mga magulang ko at kapatid pati narin ang kaibigan kong patuloy sumu-suporta sa akin.

Pero sinabi nila na huwag akong susuko. 'Kung pangarap mo, dapat kakayanin mo kahit mahirap. Kung nahihirapan ka, pagsubok iyon. Lahat ng problema ay may solusyon,' ika nga nila. So I was convinced by my families and friends to sing for THE VOICE TEENS and finally I won the opportunity I took. My family and I reached our dreams.

Lahat ng iniiyak namin noon, lahat ng lungkot, lahat ng saya, lahat ng panginginig niya ng mga insulto sa ibang performers dahil raw pangit boses ko. Nawalan ako ng pag-asa pero bumalik ang pag-asang iyon nang tulungan ako ng mga pamilya at mga kaibigan ko pati narin ang mga kaklase ko.

To Get Her (On-going)Where stories live. Discover now