13

266 27 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"Baby, come here." He motioned me to move towards them. "Meet my mom, Mrs. Deign Hutton and mom meet my baby, Blythe Romualdez."

"I know her son, she's the singer you used to listen!"

"Mom!" Nahihiyang napakamot sa batok si Vin. Ngumisi ako sakanya kaya mas lalo siyang ngumuso at ang mga pisngi niya'y  pumula.

"Nice to meet you po, missis Hutton."

"Hi hija, nice to meet you too. But it's tita or mommy for you. Good thing my son here already confessed his feeling, 'no?"

"Mom, stop it..." Nahihiyang luminga si Vin dahil may nakakarinig niyon at humahagikhik.

"Look, my son is shy. Don't mind him." Aniya at bigla akong hinila. "Come, let me introduce to you my husband." Nilingon ko pa si Vin na nakanganga sa amin ng nanay niya. I really wanted to laugh at his reaction. When we reached the top floor, there were only few rooms there and it's called the private rooms. Malawak ang kuwarto nong pumasok kami doon. Parang katumbas niyon iyong kalawak ng second floor ng apartment ko.

Lumapit kami sa kung saan nakahilata ang kanyang asawa at hinaplos niya ang ulo ng asawa. "Honey, you should really wake up there. Nagbibinata na ang panganay natin, we should celebrate that but please wake up or else hindi mo man lang makikita ang magiging apo natin sakanila. His girlfriend is so pretty, singer, and kind. Come on, introduce yourself." Aniya, binalingan ako.

Ngumiti ako sa nanay ni Vin saka bumaling sa tatay ni Vin na kamukhang-kamukha ni Vin. "Hello po, tito... Ako po pala si Blythe Romualdez, nabanggit ka sa akin ni Vin at namimiss ka raw niya, he also said he loves you, all of your family here is waiting for you to wake up po."

We heard a knock from the door. Lumapit doon si tita Deign at binuksan. "Yes?" Tanong niya sa nurse na nasa labas.

"Madam, the doctor is asking for your presence in her office, she said you have to know something about your husband's condition."

"Oh god, right now?"

"Yes madam."

"Okay, I'll be there." Binalingan niya ako. "Can you please look after my husband while I'll talk to his doctor?"

"Okay lang naman po sa akin." Tumango siya at saka tumingin sa orasan.

"Don't worry, my son will come here as soon as he finished his grocery. He texted earlier thag he'll be back as soon as possible."

"Sige po, wala pong problema iyon sa akin."

Nang makalabas siya ay tahimik kong pinagmasdan ang buong kuwarto saka ibinalik ang tingin sa mukha ni tito David.

"Sir David, alam niyo ba na ang anak niyong si Vin ay isang successful CEO na? At isa siya sa mga taong nakilala ko na sobrang bait, bonus iyong kaguwapuhan pero nagpapasalamat ako sainyo ng asawa niyo kasi pinalaki niyo ho siyang busog sa pagmamahal. Hindi bilang isang aruganteng lalaki kundi bilang isang magalang na anak. Sa katunayan hindi ko man po maamin pero nahulog na ako sa anak niyo, mahal ko din siya pero hindi ko alam kung paano aamin. Kasi kakagaling ko lang sa break up 4 months ago na tapos makikipagrelasyon ako ulit, tama ba iyon? I mean, si Vin iyong taong ayokong masaktan kasi lahat ng ginawa niya sa akin walang halong panluluko..."

To Get Her (On-going)Where stories live. Discover now