CHAPTER 7

25 2 0
                                    

"My little knight in shining armor."


This afternoon, hindi daw ako masasamahan ni Manang sa park, kasi bigla siyang inutusan ni Mama na pumunta sa airport. Dadalhin niya yung mga gamit ni Mama na kailangan daw for her another business trip. Diretso na kasi ito from her office sa Makati papunta sa flight nito pa- Hawaii.



Nauna ako sa hintayan namin palagi ni CJ. After a few minutes, I got bored sa pagkakaupo sa bench. Tumayo ako at nagpalakad lakad habang chinecheck yung oras. Mukhang late yata si CJ ngayon. Naisipan ko siyang silipin doon sa kabilang bakod. Try ko kaya siyang i-surprise?



Pagkasampa ko sa kabilang side, I got terrified because napakalaki pala talaga ng difference nung view dito kaysa sa place namin. I thought yung sizes lang ng bahay yung pinagkaiba. I instantly frowned when there was a bit of unpleasant smell in the air. Napatingin ako sa paligid and nakita ko yung mga nakakalat na trash everywhere. Wala ba silang specific garbage bins? I saw a small path leading to a set of houses crammed together near the bridge. The road was quite muddy. Is CJ really living in one of those? Paano kaya sila nagkasya doon ng family niya?



I closed my eyes and started counting from 1 to 100 in my head. I was startled when someone interrupted me. The intruder clapped their hands. At first I thought na si CJ iyon, but fear enveloped my body when I realized I'm being surrounded by a group of boys. I felt my body freeze when they wickedly smiled at me.



"Uy mga tol kita niyo ba ang nakikita ko? May naligaw yata na isang prinsesa sa lugar natin!", sigaw ng isang mukhang frog na nasa bandang likuran.



One boy took a step forward. I assume he's the leader of their group. He was about to grab my arm when small stones were thrown at them. At first, the leader of the boys was furious as he held the back of his head. He turned around ready to fight but when he saw who it was, he cowered in fear. We all turned around to see who was the culprit. I sighed in relief. There he is! My little knight in shining armor!



"Layuan niyo nga iyang kaibigan ko!", may galit sa boses na sigaw ni CJ sa kanila.



"Jo---Johnny boy? Uy bossing i--ikaw pala yan! Hehe... Kaibigan mo pala ang prinsesa? Sinisipat lang sana namin kung sino ba itong bagong padpad sa lugar natin.", the leader stuttered.



"Umuwi na kayo! Hindi ba pinagbawalan na ang grupo niyo na magpunta sa banda rito? At sa susunod na makita niyo itong kaibigan ko, ayokong pagti-trip-an niyo! Naiintindihan niyo ba?"



"Opo. Ka---klaro po, Bossing! Patawad hindi na po mauulit.", Mabilis nilang mga sagot at bigla na silang tumakbo palayo sa amin at hindi na lumingon pa.



"Ikah, ayos ka lang ba? Sorry ha? Natagalan ako kasi tinulungan ko pa si Nanay sa pag aayos ng mga ibebenta nilang uling kinabukasan at saka ang hirap patulugin ni bunso. Sana hindi ka na umakyat pa dito sa may bakod. Una, delikado na kasi dito sa lugar namin kapag ganitong oras sa gabi. Pangalawa, eh hindi ka taga rito. At pangatlo, naka bestida ka pa man din!"

Book 1: LILIKADove le storie prendono vita. Scoprilo ora